Chapter 37 Preparation

2.9K 41 0
                                    

Super Duper thank you kay @EliteGraphics / AmberZelin. Maraming salamat po sa trailer. :)

Happy 2015! And ang New Year’s Resolution ko ay mas dadalasan ko na ang update ko dito sa What If. Susubukan ko na every week may update. Hahaha!

Thank you sa walang sawang pagsuporta and sa mga nagmarathon reading pa. Maraming maraming salamat. Asahan nyo na mas lalo ko pang pagbubutihan sa pagsuslat. :)

Don’t forget to VOTE, COMMENT and FOLLOW!

 

 

Chapter 37

Preparation

Kathryn’s P.O.V.

Talagang excited na lahat para sa underground party. Kahit saan kasi ako pumunta puro iyun at iyon ang topic nila. Masasabi ko nga na eto yung pinaka-big event sa buong school. Excited na tuloy ako.

Kaka-ring pa lang ng bell, nagtakbuhan na halos lahat ng mga ka-klase ko. Bibili kasi sila ng mga susuotin nila para sa party. Ako nga wala pang idea kung anong isusuot ko. Since kahit ano naman suotin doon, bahala na lang si Batman. Hahaha.

Nagtataka tuloy yung teacher namin kasi excited lahat ng estudyante. Clueless nga pala sila about sa Underground Party kaya wala silang ka-idea idea kung bakit nagkaka-ganon ang mga estudyante.

Lumabas na ako sa room ng mapansin ko na ako na lang pala ang mag-isa dito. Ine-expect ko ng hinihintay ako ni Daniel sa may pinto pero wala sya doon pag labas ko.

“Asan naman kaya ‘yung isang yun?” sabi ko habang nagpapa-linga linga sa paligid.

Baka nagkaroon sila ng biglaang meeting.

Naglakad na lang ako papunta sa court kasi baka nandun si Daniel. Pero bigla kong nakasalubong si Julia.

“Kyaaaah, bessy!” tili nya at nagtatakbo papalapit sakin

Nagulat ako ng bigla nya akong yakapin ng mahigpit. Napangiti na lang tuloy ako sa ginawa nya.

“Namiss kitang loka ka.” sabi nya ng bumitaw na sya sa yakap namin

“Eh ikaw kasi. Busy ka dyan sa boylet mo. Hahaha.” pagbibiro ko sa kanya

“Asus! Wag nga ako, Kath. Saan ka pala papunta nyan ngayon? At himala yata na hindi nakabuntot sayo ngayon si Daniel.”

“Papunta akong court ngayon eh. Titignan ko kung andun sila Daniel. Nagkaroon yata sila ng biglaang meeting.” sabi ko sa kanya

What If? (A KathNiel Teen Fiction) [COMPLETED]Where stories live. Discover now