Chapter 8 LOST

4.9K 66 14
                                    

Hello readers... 

Dedicated to sa kanya kasi sya yung kauna-unahang nagcomment sa story ko na hindi ko deni-dedicate-an ng isang chapter..

PLEASE VOTE, COMMENT and FOLLOW..

Here it is Enjoy...

CHAPTER 8

Kathryn's P.O.V.

Pagkatapos ng nangyari kanina. Hinatid na ko ni Quen sa bahay.

Sinabi ko sa kanya yung address ng bahay namin para mahatid nya na ko agad.

Sa sobrang sama ng pakiramdam ko ngayon di ko namalayan na nasa harapan na pala kami ng bahay namin.

"Quen, salamat talaga sa lahat. Kung di ka dumating kanina baka mas malala pa yung nangyari sakin kanina." sabi ko.

"Ayos lang sakin yun. Pagpasensyahan mo na lang silang lahat. Masyado kasing brat yung mga estudyante dun." sabi nya. 

Lumabas sya ng kotse nya at pinagbuksan ako ng pintuan. Ang gentleman naman nito. Nako, baka ma-fall ako dito sa isang to. 

Erase! Erase! Erase! Ano ba yan, mas gusto ko parin yung bata na yun sa park.

Nilahad nya yung kamay nya para alalayan ako sa pagbaba.

What If? (A KathNiel Teen Fiction) [COMPLETED]Where stories live. Discover now