Chapter 50 Fight For Love

1.5K 37 18
                                    

Feel ko maraming typo at maling grammar dito. Hindi ko na kasi nagawang i-check and nagmamadali din kasi ako habang ginagawa ko 'yung ilang part dito. So, pasensya na po. J

Chapter 50

Fight For Love

Kathryn's P.O.V.

It's been a while. Ilang araw na ba ang lumipas ng huli kong makita si Daniel? Siguro mga walong araw na din ang nagdaan.

Walong araw na walang minuto na hindi ko siya na-miss. Kung hindi lang sana ganun kakumplikado ang mga bagay-bagay ngayon ay baka madali lang naming naayos ang problema namin. Pero hindi nga ganoon na lang kadali ang lahat. Masyado na naming nasaktan ang isa't-isa.

Na baka umabot na sa puntong mawala na ang pagmamahal niya para sa akin.

Wala na akong balita tungkol sa kanya. Siguro mas mabuti na din 'tong ganito para madali naming makalimutan ang isa't-isa. Sa ganitong paraan mas madaling maghihilom ang puso naming dalawa.

Hindi naging madali para sa akin ang naging break-up naming dalawa. Masyadong masakit. Mabuti na lang at nandyan sila mama, papa, kuya at ang mga kaibigan ko na palaging nasa tabi ko na nagiging inspirasyon ko para manatiling lumaban sa buhay. Kung wala siguro sila ay hindi ko na alam kung anong gagawin ko sa buhay ko.

"Hey Noona, ang lalim na naman ng iniisip mo. Baka mamaya kung saang dimension ka na niyan mapunta. Hahahaha!" pagbibiro sa akin ng pinsan kong si John

Magkasama kasi kami ngayon. Bigla niya na lang akong hinablot sa bahay namin at magde-date daw kaming dalawa.

Alam ko naman na kaya niya ginawa yun kasi alam niya sa araw na 'to ay mag-isa lang ako sa bahay dahil wala sila mama at kuya dahil may kailangan silang asikasuhin.

"Kanina pa ako nagku-kwento dito tapos hindi ka naman pala nakikinig. Nakakapagtampo tuloy." sabi niya at nag-pout pa.

"Hala! Sorry. May naisip lang ako. Ito namang gwapo kong pinsan masyadong matampuhin. Halika nga dito at yayakapin na lang kita." natatawang sabi ko sa kanya at niyakap ko siya ng mahigpit at pabirong sinakal sa leeg

"Grabe talaga 'to. Masyadong sadista. Parehong-pareho kayo ni Princess na gustong-gusto akong sinasaktan. Mga babae nga naman talaga, masyadong bully sa mga lalaki. Tsk! Tsk! Tsk!" sabi niya habang umiiling pa

"Eh bakit nga pala hindi mo isinama ang girlfriend mo ngayon dito? Edi sana kayo ang nagde-date ngayon."

"Ewan ko ba dun sa isang 'yun. Busy daw siya ngayon eh. Kaya hinayaan ko na lang muna. Teka nga lang, parang pinagtatabuyan mo na ako ah. Ayaw mo ba akong makasama ngayon? Huhuhuhu." sabi niya at umaacting pa na parang batang umiiyak

Ito ang isa sa mga gusto kong bagay kay John. Palagi niya akong pinapasaya sa tuwing malungkot ako. Kapag kasama ko siya nakakalimutan ko kahit papaano ang problema na kinakaharap ko. Napaka-positive kasi niyang bata kaya mahahawa ka na lang sa pagiging optimistic niya.

"Ang baby ko naman oh. Napaka-iyakin pa din. Ang laki-laki mo na tapos iyakin ka pa din." pang-aasar ko sa kanya

"Oy oy! Hindi noh. Pinapatawa lang kita noh." sabi niya na halata namang defensive. Hahaha!

"Sabi mo eh! Halika na nga. Maglibot-libot na tayo dito sa mall at baka may magustuhan akong bilhin. Libre mo ko ah!" naka-ngiti kong sabi sa kanya

"Haay! Ano pa nga ba? Tara na dali." sabi niya at hinatak na naman ako

Ang hilig niya talagang manghatak. Magugulat ka na lang at bigla ka niyang hahablutin. Kulang na lang kaladkarin niya na ako eh. Hahaha!

Pinagmasdan ko ang mukha niya at mukhang enjoy na enjoy siya ngayon.

What If? (A KathNiel Teen Fiction) [COMPLETED]Where stories live. Discover now