Chapter 31.1 First Day as a Couple

4K 59 2
                                    

Sorry for being inactive this past few weeks. As always, busy na naman masyado. Hahaha. Pagpasensyahan nyo na lang po. Hehehe.

Credits to SeksiBabolti for the awesome cover on the multimedia box. Thanks po. :) 

Maraming salamat pala sa mga nag-co-comment dito at sa mga nagmarathon reading pa para lang makahabol sa flow ng story! Salamat ng marami! :D

Don't forget to VOTE, COMMENT and FOLLOW!

 

Ano nga kayang mangyayari sa first day ng ating pinaka-mamahal na couple? Basahin nyo na nga. Enjoy reading guys!

Chapter 31.1 

First Day as a Couple

Kathryn's POV 

It's already 6am in the morning pero ayoko pang bumangon sa kama ko. Sobrang inaantok pa ako at hindi ako nakatulog ng maayos dahil sa mga nangyari kahapon. Hindi pa din ma-digest ng utak ko na boyfriend ko na talaga si Daniel. At ang biglaan nyang paghalik sa pisngi ko na mas lalong pumuyat sakin kagabi.

Kanina pa tumutunog 'yung alarm clock ko pero imbes na bumangon at patayin ang alarm ay nagtaklob na lang ako ng unan sa mukha ko.

Nang marindi ako sa ingay ng alarm clock ay inabot ko na lang 'to at tsaka pinatay. Hindi ako makakaidlip kung maingay 'yung bagay na 'yun.

Binalot ko ang katawan ko ng blanket at nagtaklob lang ako ng unan sa mukha.

Nadinig ko na bumukas 'yung pinto ng kwarto ko at isinara pagkatapos. May nadidinig din akong hakbang na papalapit sa kama ko.

Paniguradong si kuya Neil lang 'to at bubulabugin ang araw ko kaya mas isinubsob ko pa ang mukha ko sa unan.

Inaalog nya ako at pilit tinatanggal ang blanket na nakabalot sa akin.

"Ano ba kuya Neil! Hayaan mo muna akong matulog. Inaantok pa ako." sabi ko na halata sa boses ko na bagong gising palang at inaantok pa.

Hindi kumibo si kuya Neil at niyuyugyog pa rin ang balikat ko.

Aaaaarrrggh! Ang hirap talagang magkaroon ng pasaway at autistic na kuya.

Hindi ko na lang sya pinansin sa ginagawa nya at nanatili lang nakapikit ang mata ko. Wala akong balak sulyapan sya o kahit tapunan man lang ng tingin. Bahala sya sa buhay nya! Hmmmp!

Nagsawa na din sya sa pag-alog sa balikat ko. Buti naman at makakaidlip na ako.

Akala ko ay aalis na sya sa kwarto ko pero nagulat ako ng bigla syang tumabi sakin sa pagkakahiga. Yuck! Kadiri talaga 'tong si kuya Neil. Di ako sanay na nilalambing nyan. Mas sanay pa ako na nagkakasatan at nag-aasaran kami.

"Ano ba 'yan kuya Neil. Mandiri ka nga. Shooo shooo! Di bagay sayo manlambing." sabi ko sa kanya habang nakapikit pa rin ang mata ko.

What If? (A KathNiel Teen Fiction) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon