Chapter 14 Her Feelings Revealed

4.5K 69 13
                                    

Oo. Ako ng busy. Sorry readers kung natagalan sa update. Busy na busy na talaga ang favorite author nyo. Alam nyo namang first year college na at madugong Accountancy pa ang kinuhang course. Kaya sobrang hectic ng schedule ko. 

Kulang na kulang na nga ko sa tulog eh.

Pero dahil love ko kayo. Gumagawa pa rin ako ng paraan para makapag-update. Syempre malakas kayo sakin eh..

Sana naman mag VOTE, COMMENT and FOLLOW naman kayo dyan oh.

Thanks. 

Enjoy reading!!! :)

Chapter 14

Kathryn's P.O.V.

Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko.

Ano ba 'tong nangyayari sakin?

Di ko na maintindihan ang sarili ko. Bakit ako umiiyak?  Ba't Parang nasasaktan ako sa nakikita ko.

Siguro para na kong baliw. Pati sarili ko di ko na maintindihan.

Kahit gusto ng isip ko na umalis na sa kinatatayuan ko pero hindi magawa ng katawan ko. Di ko manlang maigalaw kahit ang mga binti ko.

Nakita kong papalapit na sila sa direksyon ko. Pero ako, nabato na sa kinatatayuan ko.

Kailangan kong maka-alis sa lugar na to bago pa ko nila mapansin. 

Pero kahit anong pilit ko di ko magawang igalaw ang sarili kong katawan.

What If? (A KathNiel Teen Fiction) [COMPLETED]जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें