Chapter 25 Mission Failed

4.6K 59 4
                                    

VOTE, COMMENT and FOLLOW!

Gumagawa pala ako ng book covers para sa mga story nyo. I will entertain 10 request only. Right now 2 pa lang ang nagagawa ko kaya may 8 slots pang available. First come first serve yun. Newbee editor lang ako kaya don't expect too much. Click the external link for the form.

Eto na nga! Basahin nyo na. ENJOY!!! :)

 

Chapter 25 

Mission Failed

Kathryn's P.O.V.

Pagkatapos ng dramahan session namin ni bessy ay tumahan na sya at ang sabi nya ay gagawin na nga daw nya yung pinayo ko sa kanya na pakinggan yung side ni Diego.

Nako! Pero subukan lang saktan ulit ni Diegs yang bestfriend ko at malilintikan sya sakin. Idadamay ko na rin yung mga tropa nya dahil panigurado na mga babaero din yung mga 'yon. Para di na sila makapag-paiyak ng mga babae.

"Bessy, uuwi na muna ko. Baka hinahanap na ako ni mommy dahil alam nya na maaga ang tapos ng klase ko eh." paalam sakin ni Julia

"Oh sige. Wag ng iiyak ah. Tawagan mo lang ako pag kailangan mo ng resbak. Hahaha. Oh sya mag-iingat ka na lang sa pag-uwi." pabiro kong sabi sa kanya

Nang makalabas na sya ay tinignan ko yung mga pinamili nyang dress na naman sakin.

Haaaay! Ang revealing naman kasi masyado ng mga dress na binibili ni bessy. Puro above the knee pero aaminin ko na magaganda naman talaga lahat. Kaya lang di ako sanay sa gantong style.

*****School

Maaga ulit akong pumasok. At as usual ay konti pa lang ang mga students na nandito dahil late na mga nagsisipasok yung mga yun. Mga brat nga naman talaga.

Umupo na lang ako sa bench tutal mamaya pa naman talaga ang class ko. Wala naman kasi talaga pa akong gagawin sa ngayon. Magmumuni-muni na lang muna ako.

May mga konting tao din na nakaupo sa mga katabi kong bench. Busy sila sa pagbabasa ng mga libro.

Pinagmamasdan ko lang yung mga tao na nakaupo malapit lang sa bench na inuupuan ko.

Magmula ng pumasok ako sa school na 'to ay nabago ang takbo ng buhay ko. Ang simpleng babae na tulad ko ay nabago. At nang pumasok din ako dito ay nag-umpisa ng tumibok ang puso ko. Kaya nga lang sa maling tao pa tumibok.

"AAAAAHH!" nagulat ako ng biglang may tumapik sa balikat ko.

"Hahahaha! Nakakatuwa ka talaga Noona. Ang cute mo talaga." sabi nya at umupo sa tabi ko.

"Arrrrrghh. Loko-loko ka parin talaga hanggang ngayon John. Alam mo namang magugulatin ako tapos gaganunin mo pa ako." sabi ko sa pinsan ko at pinang-gigilan ko yung cheecks nya.

"Ouch! That hurt's Noona. Stop!" sabi nya at tinatanggal nya yung kamay ko.

What If? (A KathNiel Teen Fiction) [COMPLETED]Where stories live. Discover now