Chapter 3 The Childhood Memory

6.5K 94 6
                                    

Chapter 3

Di ko kayo matiis nag-update na agad ako..

3 updates in One Day....

Kath' P.O.V.

Napabangon agad ako. Napanaginipan ko na naman iyon. Ano ba yan lagi na lang.

Gabi na pala, napahaba yung tulog ko. Bababa na nga ako para maghapunan.

"Sakto ang gising mo anak kakain na tayo. Hindi na kita pinagising kasi mukhang pagod na pagod ka kanina eh.." sabi ni mommy

"Oo nga po, napahaba po tuloy yung tulog ko. Si kuya nga po pala?" Napansin ko kasi na parang walang nang-aasar sa kin ngayon

"Ahhh, iyon tulog pa mukhang pagod din eh. Ang dami kasi nating pinabuhat sa kanya eh.." -mommy

"Kaya po pala.. hehehe.." ako

"Kath sabi nga pala ng daddy mo ililipat ka daw nya ng school. Mas maganda daw yung school na yun. Wag kang mag-alala kinausap ko na yung mommy ni Julia pumayag na siya." sabi ni mommy

"Sige po kayo bahala, basta po magkasama kami ni Julia ok lang po sakin" sabi ko.

Si Julia Montes po yung bestfriend ko, magmula kinder pa lang kami bestfriend na kami. Kung nasaan yung isa andun din yung isa para nga kaming kambal eh. Wala po sa aming lihiman kaya alam niya rin yung tungkol sa Nightmare thingy ko.

"Pupunta ng po pala ako bukas sa park mommy kasama ko po si Julia then nagpapasama po sya sa mall may bibilhin lang daw po sya" sabi ko, ugali ko kasi ang laging magpaalam kay mommy

"Ok sige, basta mag-iingat kayo palagi" sabi ni mommy.

----------------------------

After kong kumain umakyat na kaagad ako sa taas at tinawagan ko na si Julia.

*Phone Conversation*

Kath: Bes, pumayag na si mommy. Kita na lang tayo bukas sa park ng 9:00.

Julia:  Good. Kaya lang baka sa mall na tayo magkita. Ayaw kasi ni daddy na pumunta pa ko sa park eh. Hahatid nya daw ako sa mall.

Kath: Ahhh, ganun ba.. Edi sige kita na lang tayo bukas sa mall ng 10:00, dadaan pa kasi ako sa park eh.. Marami akong ikukuwento sayo..

Julia: Ok sige. Kitakits na lang bukas. Bye.

What If? (A KathNiel Teen Fiction) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon