Chapter 47 The Untold Childhood Memory

1.2K 37 7
                                    

Author's Note:

Sorry kung medyo natagalan ang update. Sobrang hectic lang ng sched at walang time para makagawa kaagad ng update. Pero once na may time ako gagawa naman kaagad ako ng update eh. :)

Then nung nagawa ko na 'tong update eh biglang nagloko ang internet connection namin kaya hindi ko kaagad na-post ang chapter na 'to. Pero ngayon okay naman na siya kaya wala ng problema.

Pasensya na pala sa mga napaiyak ko sa last chapter. Hahahaha! Bigyan ko na lang kayo ng panyo. XD!

Vote this Chapter if you like it!

Chapter 47

The Untold Childhood Memory

Daniel's P.O.V.

*****Flashback*****

I was 4 years old that time. Tinakasan ko na naman ang mga bodyguards ko dahil ayoko silang kasama. Gusto kong makasama ang parents ko pero palagi silang busy sa trabaho nila kaya never pa nila akong nakasama ng matagal.

Naiingit ako sa mga batang nakikita ko na kasama ang mga magulang nila at ang saya-saya nilang pagmasdan.

Minsan nahihiling ko na, "Sana ganun din kami kasaya." Pero alam ko na malabo 'yun mangyari. Dahil mas mahal nila ang negosyo nila kesa sa aming mga anak nila.

Kaya mas gusto ko na lang mapag-isa kesa makasama ang mga bantay ko.

Sa pagtakas ko sa kanila ay napadpad ako sa isang park. Madalas akong tumambay dito sa lugar na 'to kasi pakiramdam ko isa akong ordinaryong bata kapag naandito ako. Marami akong batang nakakalaro at nakakasalamuha.

Pero nung araw ng pagtakas ko na 'yun nangyari ang isang bagay na hindi ko inaasahanng mangyari sa akin.

Patawid na sana ako sa kalsada ng makita ko ang isang batang babae na umiiyak. Mukhang naliligaw yata siya. Unang beses ko pa lang siyang nakita alam ko na meron na kaagad akong kakaibang nararamdaman sa kanya.

Napahawak ako sa dibdib ko at nakaramdam ng takot dahil sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Ngayon ko lang naramdaman 'tong ganitong feeling kaya nakaramdam ako ng takot. Pero yung takot na nararamdaman ko ay unti-unting napalitan ng tuwa habang pinagmamasdan ko siya.

Ang cute-cute niya kasi. Nakakatuwa siyang panuorin.

Makukuntento na lang sana akong pagmasdan siya sa malayo pero mukhang di ko yata kaya.

Nahagip ng mata niya 'yung park at biglang sumaya ang mukha niya. Napangiti na lang din ako ng mapagmasdan ko kung gaano siya kasaya ng mga oras na 'yun. Sa sobrang tuwa niya ay tumakbo kaagad siya para makapunta sa park.

Naalisto ako ng makita ko ang mabilis na sasakyan na makakasagasa sa kanya kaya tumakbo kaagad ako para pigilan siya. Hinawakan ko ang braso niya at hinatak ko siya papalapit sa akin.

Dahil sa ginawa ko ay napalapit ng husto ang katawan namin. Konting space na lang ang natitira sa pagitan namin at sobrang lapit ng mukha namin sa isa't-isa.

Biglang bumilis na naman ang tibok ng puso ko at parang gusto na nitong lumabas sa dibdib ko.

"Muntik ka na dun ah. A-akaya ko di na ako makakaabot eh. Buti paya napadaan ako dito kung hindi baka napano ka na." Natatawa na lang ako sa sarili ko dahil medyo bulol pa ako magsalita ng panahong 'yun.

"Mawaming Sayamat.. Di ko ayam kung anong nangyawi sakin kung di ka dumating. sayamat tayaga." Pinigilan ko ang pagtawa ko dahil bulol din pala at ang cute ng boses niya. Parang boses ng isang anghel sa aking pandinig.

What If? (A KathNiel Teen Fiction) [COMPLETED]Where stories live. Discover now