EPILOGUE

1.3K 39 8
                                    

Epilogue

Kathryn's P.O.V.

Nahuli na ba talaga ako?

Tapos na ba talaga ang lahat ng sa amin ni Daniel?

Totoo nga ang sabi nila na mare-realize mo lang ang halaga ng isang bagay kapag nawala na siya sayo.

At ngayong wala na si Daniel ay narealize ko na hindi ko kayang mabuhay ng wala siya sa tabi ko.

Nakaluhod ako sa airport habang walang humapay na tumutulo ang mga luha sa mata ko. Pinagtitinginan na ako ng mga ibang taong nagdadaanan pero hindi ko sila pinansin. Sa ngayon gusto ko lang ilabas ang lahat ng sakit na nararamdaman ko.

I smile bitterly ng maalala ko lahat ng memories naming dalawa ni Daniel.

"Ang kapal din ng mukha mo no?. Ikaw na nga lang tong binibigyan ng pagkain dyan, ayaw mo pa. Tsaka ASA ka naman na papagsamantalahan kita noh. Kung gagawa man ako ng kasalanan na ganun, dun nalang sa gwapo at hot, di katulad mo na mukhang unggoy." pagtataray ko sa kanya.

Mukha na akong baliw dito umiiyak habang tumatawa. Nakakatuwa lang kasing balikan yung mga panahon na halos isumpa na namin ang isa't-isa.

"May tatanong lang sana ako sayo. Pag pinagsama mo ba ang panghalip na AKO at IKAW ang kalalabasan ba ay magiging TAYO?"

'Yung mga banat niyang gasgas na pero kapag siya na ang nagsasabi ay kinikilig pa din ako.

"Aissh! Seryoso ako Kath. Di kita binibiro at halika na. May date pa tayo ngayon."

'Yung mga panahong kapag inaaya niya ako ng date ay siya pa yung galit.

"I'm not a perfect guy that every girl wishes for. Gago ako, mahilig makipag-away, mainitin ang ulo, seloso, hindi pala-aral pero susubukan kong magbago para sayo. Gusto ko kasi na maipagmamalaki mo ako kapag sinagot mo na ako. Kahit hindi ako yung tipo ng ideal boyfriend mo pipilitin kong maging perpekto para sayo. Basta Kath lagi mong tatandaan mahal na mahal kita."

"Diba sabi ko sayo di kita mamadaliin? Pero parang di ko na yata kaya pang patagalin pa eh, gusto ko ng maging official na tayo na talaga. Ang sabi ko sa sarili ko aayusin ko muna ang sarili ko bago ko hingin ang matamis mong OO, pero pwede bang samahan mo ako sa pag-ayos ng sarili ko? Pwede bang , magkasama nating harapin ang mga bukas pang darating sa atin?"

"Kathryn Chandria Bernardo, soon to be Padilla. Will you be my Girlfriend?"

Hanggang alaala na lang ba lahat ng pinagsamahan naming dalawa?

Paano na yung future namin na binuo ng magkasama?

Hindi ko na kaya ang sakit na nararamdaman sa puso ko. Pakiramdam ko nawala ang pinakamalaking parte sa puso ko kaya sobrang sakit ngayon.

"Daniel, mahal na mahal kita. Bumalik ka na, please."

Halos pabulong ko na lang na sabi sa pagitan ng mga hikbi ko.

"Bumalik ka na please."

Paulit-ulit ko yang sinasabi na sana marinig niya at bumalik na siya sa akin.

Pero alam ko naman na kahit anong gawin ko ay hindi na siya babalik pa sa akin.

"Bakit naman ako babalik kung hindi naman ako umalis?"

Natigilan ako sa pag-iyak ko ng marinig ko ang pamilyar na boses na yun. Hindi ako pwedeng magkami.

Dahan-dahan akong lumingon at ng makita ko siya sa likod ay di na ako nagdalawang isip na tumakbo papalapit sa kanya at yakapin siya ng napaka-higpit.

What If? (A KathNiel Teen Fiction) [COMPLETED]Where stories live. Discover now