Chapter 30 Pain From The Past

4.6K 59 3
                                    

Sorry kung medyo delay ang update ko. Sobrang busy lang talaga dahil marami kaagad activities sa school na kailangan gawin. Pero kahit busy ako, gagawa parin ako ng paraan para makapag-update. Haha.

Salamat sa pagtya-tyagang nyo sa kakahintay ng bawat update ko. Sobrang saya ko lang dahil di nyo 'to sinukuan. Hahaha. XD

Pagpasensyahan nyo na din pala 'yung mga typos at wrong grammars. Tsaka ko na lang aayusin kapag marami na akong time para gawin 'yun.

Please don't forget to Vote, Comment and Follow. :)

So here it is. Enjoy reading!

Chapter 30 

Pain From The Past

Kathryn's P.O.V. 

From officially dating each other, were now officially ON.

Sobrang saya lang talaga dahil kami na ni Daniel ngayon. Nandito kami sa bahay at gabi na pero hanggang ngayon di parin nababawasan yung saya na nararamdaman ko magmula kanina.

Sinadya pala talaga nya na hindi magpakita sa akin ng buong araw na 'yun dahil sa binabalak nya. Dahil kapag di daw sya nagpakita kahit isang araw lang ay mami-miss ko daw talaga sya ng todo kaya sasagutin ko daw talaga sya.

Ang kapal talaga nang mukha ng isang yun. Pero aaminin ko na na-miss ko nga talaga sya kaagad ng todo.

"Alam mo ba na wala pa talaga akong balak umuwi sa amin? Kung pwede nga lang sana na huwag na akong umalis sa tabi mo. Kapag nalalayo kasi ako sayo kahit ilang segundo pa lang ang lumilipas ay nami-miss na kita kaagad." sabi nya sakin nang makalabas na kami sa bahay at nasa tapat na kami ng kotse nya.

Hawak-hawak pa rin nya ang kamay ko ngayon at parang wala talaga syang balak bitawan yun.

"Sira ka talaga. Syempre kailangan mo ng umuwi dahil baka hinahanap ka na sa inyo." medyo natatawa kong sabi sa kanya

"Haaaaayyy! Kung pwede lang sana na magpakasal na tayo kaagad para hindi na natin kailangang mahiwalay sa isa't-isa. Gusto mo pakasal na tayo? Ngayon din mismo? Tara na sa simbahan dali, kausapin na natin si fathe----- Awwww. Ano ba? Bakit ka ba biglang nambabatok dyan?" sabi nya habang kamot-kamot yung ulo nya

"Hoy Mr. Padilla, baka nakakalimutan mo na kakasagot ko pa lang sayo tapos aayain mo na kaagad ako ng kasal? Tsaka 17 pa lang ako noh. Duh? Haha" sabi ko sa kanya

"Aaahh di pa pwede kasi 17 ka pa lang, so kapag 18 ka na pwede na tayong magpa-kasal ganun? Hahaha." sabi ni Daniel habang sinusundot pa yung tagiliran ko

"Hahaha. Baliw ka talaga."

"Oo. Baliw na baliw sayo."

"Tama na nga yung kakornihan natin dito. Shoo! Shupi ka na. Haha" sabi ko sa kanya at tinutulak ko sya ng mahina papasok sa kotse nya

"T-teka lang naman Kath. Para mo naman akong pinagtatabuyan nyan eh. Hahaha. Tsaka may nakakalimutan ka pang ibigay sakin." sabi nya at isinara muna ang pinto ng kotse nya

What If? (A KathNiel Teen Fiction) [COMPLETED]Where stories live. Discover now