Chapter 1 Meet Kathryn

11.9K 109 9
                                    

First story ko po ito kaya sana magustuhan niyo po ito. Isa lang po ang masasabi ko sa inyo na kapag binasa nyo 'to ay di kayo magsisisi. Ang kwentong ito ay mula lamang sa imahinasyon ng baliw ninyong author...

Halo-halong emosyon po ang mararamdaman niyo dito merong tawanan, iyakan, asaran at hinding-hindi mawawala syempre ang KILIG-MOMENTS...

Eto na nga... Enjoy Reading... Thank you very much...

-------------------------------

Chapter 1

Meet Kathryn

Kathryn's P.O.V.

***********

Umiiyak ako habang tumatakbo sa isang park. Hindi ko alam kung anong dahilan kung bakit ayaw tumigil sa pagpatak ng mga luha ko. Hindi ko din pansin ang maraming sasakyang nagdaraan. Gabi na kaya sobrang napakadilim na ng langit at parang uulan pa.

 

May nakikita akong playground at may napansin akong isang lalaking nakaupo dun sa may swing, di ko makita ang mukha nya dahil nakatalikod sya. Unti-unti akong lumapit sa kanya at  hinawakan ko ang balikat nya upang maagaw ko ang atensyon nya, dahan-dahan siyang lumingon at konting-konti na lang makikita ko na ang mukha nya ng biglang----

***********

"KATH! ABA, GUMISING KA NA DYAN!” sigaw nya sa tenga ko

"Aaaaaaahh!”

Napabalikwas kaagad ako sa sobrang pagkakagulat at nahulog pa ako sa kama ko.

"Ano ka ba kuya! Ang aga-aga nanggugulo ka dyan!" Sabi ko habang bumabangon mula sa pagkakahulog sa kama

"Umayos ka na kung ayaw mong maiwan," sabi ni kuya at lumabas na ng kwarto ko.

"Konti na lang eh. Konting-konti na lang talaga!" Sabi ko habang nanggigigil. Eh paano ba naman kasi makikita ko na nga yung lalaki na laging nasa panaginip ko tapos guguluhin ako ng magaling kong kuya. Magmula kasi noong bata pa ako lagi ko iyong napapanaginipan tapos bago ko makita ang mukha niya lagi na lang ako biglang nagigising. Badtrip tuloy!

Lumapit ako dun sa may cabinet at kinuha ko yung necklace na binigay nung nagligtas sa'kin noong bata pa ako.

"Sino ka ba talaga? Ikaw ba yung laging laman ng panaginip ko?"

Para lang akong baliw kinakausap ko yung necklace.

Napahaba na yung pagkukuwento ko hindi pa pala ako nakakapagpakilala. Ako nga pala si Kathryn Chandria Bernardo. Simple lang ako, hindi ako palaayos sa sarili ko tulad ng ibang babaeng teenager. Mayaman din kami at tinuturing akong princesa dito sa bahay namin kasi isa lang akong anak na babae.

‘Yun namang magulo kanina kuya ko ‘yon, si Neil Coleta Bernardo, kahit ganun ‘yon love na love ko ‘yon. Ayaw na ayaw niya akong nakikitang umiiyak at siguradong mananagot sa kanya kung sino ang magpapaiyak sa kin. Pagpasensyahan nyo na lang ‘yung isang ‘yun, may pagka-autistic kasi eh. Hahaha!

What If? (A KathNiel Teen Fiction) [COMPLETED]Where stories live. Discover now