Chapter 46 His Birthday (Part 1)

1.5K 35 14
                                    

Here's the update! Sorry kung delayed na naman. Hahaha!

Dedicated this chapter to her. Basta! Hahaha!. :)

Sorry for the typo's.

BTW, paki-basa pala yung author's note sa dulo. Okay? :)

Chapter 46

His Birthday (Part 1)

Kathryn's P.O.V.

*sigh*

Hindi ko na mabilang kung ilang beses na akong nagbuntong hininga sa araw na 'to. Pakiramdam ko mababaliw na talaga ako. Huhuhu!

Pano ba naman kasi, malapit na ang birthday ni Daniel pero hanggang ngayon wala pa din akong maisip na pwedeng ipanregalo sa kanya.

Ano nga ba ang dapat mong ibigay sa taong nasa kanya na ang lahat?

Gusto ko pa naman maging memorable ang araw na 'yun para sa kanya kaya nag-iisip ako ng mga balak kong gain. Palaging siya na lang kasi ang nangsu-surprise sakin kaya gusto ko naman sana na this time ako naman ang gumawa ng surprise para sa kanya.

Pero ang problema talaga ay hanggang ngayon ay wala pa ding pumapasok na idea sa utak ko na pwede kong gawin. Sinubukan kong manghingi ng advice sa iba pero puro kalokohan lang ang mga sinasabi nila.

Sinubukan kong tanungin sila Katsumi since close na close talaga sila ni DJ at alam neto ang mga gusto nya. Pero kalokohan lang ang mga sagot nila. Ang iregalo ko daw ay ang sarili ko na lang. Mas matutuwa pa daw si Daniel kapag ganun. Nakatikim nga sakin ng mga batok yun eh.

Nang tanungin ko naman si Julia ay sinagot ako ng kahit ano na lang daw. Kasi for sure magugustuhan naman daw nila Daniel basta galing sa akin.

Kita nyo na? Kaya in the end, ako na lang ang nag-iisip.

Andito ako ngayon sa mall nagtitingin ng pwedeng ibigay na panregalo. Nagpupumilit pa nga sa aking sumama si Daniel dito pero todo tanggi ako. Jusko naman kasi, paano ako makakabili ng panregalo ko sa kanya kung andito sya diba? Buti na lang at napapayag ko na ako na lang mag-isa.

Kanina pa ako dito pero wala pa din akong makita. Halos malibot ko na nga ang buong mall pero wala pa din eh.

Susuko na sana ako ng may makita akong dalawang babaeng estudyante. Mukhang mag-bestfriend sila.

"Bukas na kaagad natin gawin 'yung scrap book natin ah."

"Excited na nga ako. Andami ko pa naman ng nahanap ng pictures natin na pwede nating ilagay doon."

At dahil doon may pumasok na isang bright idea sa akin.

Gagawan ko na lang ng scrap book si Daniel. Ang ilalagay ko sa loob ay moments namin together.

Tama! Tama!

Kung para sa iba ay ang corny ng ganun, pero para sa akin ay hindi. Simple lang ang ganung bagay pero ang pinaka-magandang regalo doon ay 'yung effort ng gumawa. Iyon ang hindi kayang tumbasan ng kahit anong salapi. Kasi sa paggawa ng ganoong bagay ay kasama ang puso ng taong gagawa.

Napapangiti na kaagad ako sa tuwing maiisip ko pa lang na gumawa ng scrap book.

Nilapitan ko yung dalawang babae at tsaka hinawakan sa kamay.

"Maraming-maraming salamat sa inyo." sabi ko sa kanila at tsaka ko sila nginitian

Mukhang nagtatakha sila pero ngumiti din sila pabalik sa akin.

Umalis na ako sa lugar na 'yun at nagmamadaling pumunta sa NBS para bumili ng mga gagamitin ko.

---

What If? (A KathNiel Teen Fiction) [COMPLETED]Where stories live. Discover now