Chapter 48 Wounded Hearts

1.4K 39 15
                                    

Author's Note:

Hi there! Miss my update? Sorry kung medyo natagalan. Medyo busy lang at wala ako sa tamang wisyo ng mga nakaraang araw kaya hindi ako nagsulat. Ayaw ko namang pangit ang kalabasan ng outcome kaya hindi na muna ako gumawa. Sana maintindihan niyo.

Salamat pala sa mga comments and reactions nyo regarding sa previous chapter. Sobrang natutuwa ako habang binabasa ko lahat ng feedbacks nyo. Asahan ko ulit comment niyo huh.

Pasensya na din pala sa mga napaiyak ko. Bigay nyo na lang sakin address niyo at papadalhan ko na lang kayo ng panyo. Hahahaha!

Chapter 48

Wounded Heart

Daniel's P.O.V.

Pagkatapos ng insidente na nangyari ay umalis na sila Kath at Xander sa lugar na 'yun. Gusto ko man silang pigilan pero wala na din akong nagawa. Mas mabuti pang umuwi na muna si Kath sa kanila para makapag-pahinga siya dahil sa mga nangyari ngayong gabi.

Mas inaalala ko ang kalagayan niya ngayon.

Sinundan ko silang dalawa hanggang sa makadating sila sa tapat ng bahay nila Kath. Inalalayan niya pa 'to sa paglabas ng kotse hanggang sa makapasok sila sa loob ng bahay.

Gustuhin ko mang pumasok sa loob para alamin ang kalagayan niya ay hindi ko naman magawa. Alam ko na mas makakasama sa lagay niya kung ngayon kami mag-uusap. Bibigyan ko siya ng time para makapag-isip-isip.

Ilang oras na ang nakakalipas pero hindi pa din lumalabas si Xander mula sa loob ng bahay. Hindi na ako mapakali dito sa labas ng gate. Pabalik-balik ang lakad ko at halos maubos na ang buhok ko sa sobrang higpit ng pagkakasabunot ko.

Gusto kong pumasok sa loob.

"Baka napano na si Kath. Kailangan nasa tabi niya lang ako." sabi ko at akmang papasok na sana sa loob ng biglang lumabas si Xander

"Kamusta na si Kath? Anong lagay niya? Okay lang siya diba?" sunod-sunod na tanong ko sa kanya ng malapitan ko siya

Hindi niya sinagot ang tanong ko at umiwas lang siya ng tingin sa akin.

"ANO BA?! Kinakausap kita! Diba okay lang naman si KATH?" sigaw ko sa kanya at niyugyog ang balikat niya

Nang hindi pa din siya sumagot ay binitawan ko na siya at nagdesisyong pasukin sa loob si Kath. Kailangan kong makita kung anong kalagayan niya ngayon. Baka napano na siya.

Pero nakakailang hakbang pa lang ako ng bigla niya akong hilahin at pigilan para pumasok sa loob.

"Give her some time to think. It's not the right time for the both of you to talk." mahinang sabi niya at binitawan na din ako sa braso

Natigilan ako dahil sa sinabi niya. Tama naman siya. Hindi pa ito ang tamang panahon para mag-usap kaming dalawa. Masyadong masakit para sa aming dalawa ang nangyari. At alam ko na sa mga oras na 'to ay galit na galit sa akin si Kath at hindi maganda ang kahihinatnan ng pag-uusap namin kung galit siya.

"Okay lang naman siya diba?" mahinang sabi ko sa kanya at napaupo na lang ako sa pwesto ko

Para na akong mababaliw sa mga oras na 'to. Pero hinding-hindi ako susuko.

"'Yung totoo? Gusto mong malaman ang totoo? Hindi siya okay, Daniel. Sa tingin mo ba, pagkatapos ng lahat ng nalaman niya ay magiging okay pa siya? Sinaktan mo siya at durog na durog ang pakiramdam niya ngayon." panunumbat niya sa akin

Oo nga naman. Ang tanga ko naman para tanungin kung okay siya.

Ako nga pala ang dahilan ng paghihirap niya ngayon. Kasalanan ko ang lahat.

What If? (A KathNiel Teen Fiction) [COMPLETED]Kde žijí příběhy. Začni objevovat