Chapter 26 Epic Fail or Success?

6.5K 77 9
                                    

Long update yan kaya mag-enjoy na kayo. Sobrang naubos ang brain cells ko sa paggawa neto at talagang natagalan akong gawin ‘to.

26 is a very special number that’s why KILIG OVERLOAD tayo ngayon.

Vote, Comment and Follow!

Chapter 26

Epic Fail or Success?

Daniel’s P.O.V.

“Kath! Gusto kita. Will you be my girlfriend?”

Aiiiissh. Ang panget! Parang siga ang labas ko kapag ganyan.

“Kathryn, pwede ba kitang ligawan?”

Yuck!  Ang baduy naman nun. Di ko ma-imagine na ako yung gumagawa ng ganun. 

Para na akong baliw dito. Kinakausap ko ang sarili ko sa harapan ng salamin. Nagpa-practice kasi ako ng balak kong sabihin kay Kath. O mas tamang sabihin na nagpa-practice ako ng gagawin kong pag-amin sa kanya.

“Aaarrrrrghh! Di talaga ako sanay na ako yung nanliligaw. Mas sanay ako na babae ang nanliligaw sakin. Kakabad-trip.” sabi ko at napasabunot na lang ako sa sarili kong buhok

Nagpakawala muna ako ng isang malakas na buntong hininga at tinuloy ko na yung ginagawa ko.

“Kath, matagal ko na gustong sabihin ‘to pero ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob. Gusto na kita or should I say mahal na kita. Ang dami-daming magandang babae sa paligid ko pero sa kanilang lahat ikaw yung pinaka-nagustuhan ko. Though mas maganda ka naman talaga compare sa kanilang lahat.” sabi ko habang yung kamay ko ay nasa ilalim ng baba ko

“Pero ngayon, pwede ba kitang ligawan? Di ko kakayanin kapag napunta ka pa sa iba.” sabi ko at napa-face palm na lang ako

Ayoko na! Suko na talaga ako. Di ko na alam kung anong dapat kong gawin.

“Kathryn mahal kita. Di ko kakayanin kapag napunta ka pa sa iba. YUCK Daniel! Ang baduy baduy. Nakakadiring pakinggan. Hahaha.” nagulat ako ng biglang may magsalita sa likod ko at pagkakita ko nakatayo pala si Diego sa likod ko.

“Aaaaarggh. Gusto mong sapakin kita? Umalis ka nga dito. Di ka manlang kumatok sa may pintuan.” sigaw ko sa kanya

“Chill lang. Nagagalit ka ba dahil narinig ko yung mga pinagsasasabi mo kanina? Whahahahahaha. Hayaan mo ipapakalat ko din yun sa iba para masaya.” sabi nya at inasar-asar pa talaga ako ng gago.

What If? (A KathNiel Teen Fiction) [COMPLETED]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن