Chapter 27 A Date

6.3K 88 2
                                    

Sa totoo lang nagustuhan ko talaga 'tong outcome ng chapter na 'to. At sana ganun din ang mangyari sa inyo.

I'm so happy na every week nadadagdagan ang WHAT IF ng 1k reads. Thank you ng marami.

Dedicated this chapter to YanaJin! ANg ganda po ng story nyo na My Husband Is A Mafia Boss. Super ganda po. Idol ko na po kayo. Hehehe

Vote, Comment and Follow.

 

Chapter 27 

A Date

Kathryn's P.O.V. 

T-teka! A-ano bang mga pinagsasasabi ni Daniel? Totoo ba ang lahat ng yun o ginu-goodtime nya lang ako?

Wag naman syang magbiro ng ganto. Dahil di nya alam kung gaano kasakit ang mag-assume.

"Lasing ka ba Daniel? Ano bang natira mo ngayon? Katol, rugby, o yung usok ng tambutso ng sasakyan?" yan na lang ang nasabi ko sa mga pinagsasasabi nya

"Aiiiiiisssh. Seryoso ako Kath. Di kita binibiro at halika na. May date pa tayo ngayon." sabi nya at binuhat nya ako bigla ng pa-bridal style

"H-hooooyyy! Ibaba mo nga ako. Kaya ko namang mag-lakad. Tsaka sino may sabing makikipag-date ako sayo? Sasamahan lang kita sa pupuntahan mo at pagkatapos nun ay uuwi na ako sa amin." sabi ko sa kanya habang pinagpapa-padyak ko yung paa ko.

"Exactly. Iyon na nga yun. Sasamahan mo nga diba ako? At yung pupuntahan natin ay yung date nating dalawa." sabi nya at ibinaba nya na ako ng nasa tapat na kami ng kotse nya

At doon lang nag-sink in sa utak ko na yung ibig pa lang nyang sabihin dun sa pupuntahan namin ay yung date. Oh ow! Dapat pala di na lang ako pumayag kung alam ko lang.

Masaya ako dahil pareho lang pala kami ng nararamdaman ni Daniel. Na gusto din pala nya ako. Pero di maalis sa isip ko na baka itulad lang nya ako sa ibang babae nya na iiwan nya lang kapag nagsawa na sya. Natatakot ako na baka di naman talaga nya ako mahal at niloloko nya lang ako.

Gusto ko munang alamin kung seryoso ba talaga sya sa panliligaw sa akin bago ko man sya sagutin. Mahal ko sya pero dapat paganahin ko din ang utak ko para hindi ako masaktan pagdating sa huli. Pero aaminin ko na masaya ako sa mga nangyayari ngayon.

Siguro dapat ko nga syang bigyan ng pagkakataon na patunayan ang sarili nya sa akin. At kapag sigurado na ako sa nararamdaman nya ay sasagutin ko na sya. Ayaw kong magpadalos-dalos sa mga desisyong gagawin ko.

"Sakay na! O baka gusto mong buhatin ulit kita papasok?" sabi nya sa akin.

Napatulala pala ako doon dahil sa sobrang lalim ng mga iniisip ko. Pinagbuksan pa nya ako ng pinto at isinarado na rin nya ng makapasok ako. Tumakbo na rin sya para pumasok sa driver seat.

Di ko alam pero bigla nya akong tinitigan ng makapasok na sya sa kotse nya at namalayan ko na lang na papalapit sya sa pwesto ko. Don't tell me balak nya akong halikan?

What If? (A KathNiel Teen Fiction) [COMPLETED]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora