Chapter 42 Spaces

2.1K 52 34
                                    

Sorry kung delay ang update. Nagkaroon kasi ng problema ang laptop na gamit ko kaya di ko kaagad nagawang tapusin ang update. Pero heto na nga nagyon. Enjoy reading guys.

Warning: Ang susunod na eksena ay hindi nyo magugustuhan. JOKE! Whahahaha.

I need your reactions regarding this chapter. Kaya mag-comment kayo sa baba kapag tapos nyo ng basahin, okay?

BTW, please do support our story. It is entitled Oh My Genie Ghost. Co-writer ako sa story na ‘yun. Just click the external link for the story.

 

 

Chapter 42

Spaces

Kathryn’s P.O.V.

Pagkadating ko sa school ay saktong nag-bell na. Di ko na tuloy nagawang mapuntahan si Daniel sa classroom nya. Makakapag-hintay pa naman yun hanggang uwian.

Umupo na lang ako sa upuan ko at sinubukang ituon ang focus ko sa nagtuturo kong teacher pero di ko magawa. Masyadong naglalakbay ang utak ko sa mga mangyayari mamaya. Sobrang excited na akong malaman ni Daniel.

“Kathryn, are you listening?” nagulat na lang ako ng bigla akong tawagin ng teacher ko

“Y-yes, sir.” sabi ko at umayos na ako ng upo

Napailing na lang yung teacher ko at bumalik na sa pagtuturo. Ako naman inayos ko na ang sarili ko at pilit tinanggal sa isip ko ang lahat ng mga posibleng mangyari mamaya.

Nang marinig ko ang bell na hudyat na tapos na ang klase sa subject na ‘to ay dali-dali kaagad ako lumabas ng room. Dati rati ako pa yung nagpapahuli sa paglabas pero ngayon hindi na ako makapag-hintay eh.

Pupuntahan ko na si Daniel sa room nya ngayon. Miss na miss ko na talaga ang mokong na ‘yun. Isang araw ko pa lang syang di nakikita parang mababaliw na ako.

Pagdating ko sa classroom nila nakita ko na naglalabasan na ang mga estudyante. It means tapos na rin ang klase nila sa subject na ‘yun.

Hinintay kong makalabas si Daniel pero di ko sya nakita. Kaya sumilip na lang ako sa pinto ng room nila at nagbaka-sakali na makita ko sya. Pero wala. Bigo akong makita sya.

Nang may papalabas na isang estudyante ay hinarang ko muna ‘to para makapag-tanong.

“Excuse me lang po. Nasaan po ba si Daniel? Pumasok po ba sya ngayon?” tanong ko sa kanya

“Ay nako Ms. Kath! Kanina pa po umalis si Daniel. Pagka-tunog pa lang ng bell ay nagmamadali na syang umalis. Sige po, baka ma-late na ako sa next class ko.” sabi nya at umalis na nga sya

Napangiti na lang ako sa pwesto ko. Mukhang nagka-salisi kami ni Daniel. Miss na miss na din siguro nya siguro ako. Hahaha.

Pumunta na ako sa next class ko na hindi maalis ang ngiti sa labi ko. This time nakapag-focus na ako sa pagtuturo ng prof ko.

What If? (A KathNiel Teen Fiction) [COMPLETED]Where stories live. Discover now