Chapter 40 The Truth

4.2K 67 55
                                    

WHAT IF reached its 100k+ reads. Super duper thank you dahil sa inyo. Di nyo alam kung gaano ako kasaya ngayon.

And dahil sa mga demanding readers ko, na halos pasabugin ang inbox ko kakakulit na mag-update na daw ako. Nakakatuwa kasi kahit mga silent readers nagsilabasan. Hahaha.  Heto na nga ang update. Enjoy reading guys. :)

 

Guys, kagabi ko lang napansin na naka-private pala yung Chapter 34. Paki-check na lang kung nabasa nyo or baka nalampasan nyo yung chapter na ‘yun. You can go back and read it kung nalampasan nyo. Just simply click the external link for reading the chapter 34! :)

 

VOTE, COMMENT and FOLLOW!

 

 

Chapter 40

The Truth

Kathryn’s P.O.V.

“Kathryn naman. Kanina ka pa umiiyak dyan. Tama na.” sabi nya sakin

Hindi ko pinansin si Juls at humiga lang ulit ako sa kama ko.

“Alam mo, baliw ka din noh? Kung ano-ano yang pumapasok sa isip mo. Mahal ka ni Daniel. Di mo ba nararamdaman yun? The way he look at you. Dun pa lang makikita mo na kaagad. Bakit mo ba kasi naisip na hindi ka nya mahal? Ghad! Pati ako masisiraan din ng ulo dahil sayo.” mahabang lintanya nya habang hinihimas ang likod ko para i-comfort ako

“Eh kasi naman Juls, tignan mo yung nakasulat dun. Pano kung totoo nga ‘yun? Di ko na alam ang gagawin ko.” sabi ko naman sa kanya

“So mas paniniwalaan mo pa ‘yan kesa kay Daniel? Pano kung gusto lang pala kayong sirain ng taong nagbigay sayo nyan? Kath, naman.”

Bigla akong natigilan dahil sa sinabi nya. Tama nga si Juls. Di dapat ako magpa-apekto. Kailan ko ba hindi naramdaman ang pagmamahal sakin ni Daniel. Sa tuwing magkasama kami alam ko at ramdam ko na mahal nya ako.

Ang tanga ko nga para paniwalaan yung nakalagay sa sulat.

“Hahaha. Tama ka nga, Juls. Salamat sa advice. Di ko alam ang gagawin ko kung wala ka.” sabi ko sabay yakap sa kanya

“Sira ka talaga. Alam mo minsan natatakot na ako para sayo eh. Kanina halos umiyak ka ng wagas tapos ngayon tumatawa ka na. Kinakabahan ako. Hindi kaya may sira ka na sa isip. Hahaha.” natatawang sabi nya sakin

Binatukan ko nga. Ang daming alam eh.

“Oh sya sya, pumunta ka na sa date nyo ni Diego. Makakahabol ka pa. Anong oras pa lang naman eh. Naka-istorbo pa ako sa inyo.” sabi ko sa kanya

What If? (A KathNiel Teen Fiction) [COMPLETED]Where stories live. Discover now