Chapter 28 Perfect Family With Him

5.1K 55 12
                                    

Hello guys!!! :)

Happy birthday to me. And as a gift to my readers nag-update ako ngayon. Hahaha

Dapat bukas ko pa 'to ipo-post pero dahil mabait ako ngayon na lang.. Hahaha! Enjoy the update! 

VOTE, COMMENT and FOLLOW! Yan na lang birthday gift nyo sakin.

And basahin nyo din pala yung entry kong One Shot doon sa writing competition. I swear maganda talaga 'yun. Ang title nya ay And This Love Starts in a Whisper.Or just click the external link!

Dedicated this Chapter to Yam-Yam28. Sobrang fan po ako ng mga stories nyo. Lalong-lalo na yun GFFH, OHG at yung Mr. Playboy, You're a Dad! More powers po sa inyo. :D

Chapter 28 

Perfect Family With Him

Kathryn's P.O.V. 

It's Sunday today, meaning may family bonding ulit kami. And this time kumpleto kami ngayon dahil umuwi ulit si papa dahil miss na daw nya ako. Hahaha. Ang saya-saya ko dahil kumpleto kami ngayon para sa family day namin. Excited na ko.

Maaga pa naman kaya matutulog muna ako. 6am pa lang naman eh, tapos 9 pa yung alis namin kaya makakatulog pa ulit ako kahit papano.

Sobrang inaantok pa talaga ako dahil napuyat ako nung Friday dun sa first date namin ni Daniel. Inaaya nya nga ulit ako kahapon pero sabi ko gusto kong matulog ng buong araw nun dahil puyat talaga ako. Biruin mo naman kasi 4am nya na ako inuwi sa bahay. At thank God dahil di naman ako pinagalitan ni mama at papa. Kahit si kuya walang imik. Nagtataka nga ako eh.

*knock knock knock*

May kumatok sa pinto ko pero di ko na lang pinansin dahil matutulog pa ako. Naramdaman ko na lang na may biglang umupo sa tabi ko.

"Wake up my princess." si papa pala

"Uhhhhm. Inaantok pa po ako eh." sabi ko at nagtaklob ng unan

"Hahaha. Pero kailangan mo ng bumangon dyan." sabi ni papa at niyugyog pa ako ng mahina

"Maaga pa naman po eh. Diba 9 pa naman po tayo aalis?" tanong ko

"Yup! Pero may bisita ka sa baba. Andun yung manliligaw mo. Haha"

Pagkasabi nun ni papa ay napabangon kaagad ako. Ano namang ginagawa ni Daniel dito ng ganto kaaga? Ang aga-aga manggugulo na sya dito kaagad.

"Mag-ayos ka muna bago mo babain yung bisita mo anak." sabi ni papa at lumabas na sa kwarto ko

"Aaaarrgh. Ang kulit talaga nung isang 'yun." napasabunot na lang ako sa buhok ko bago pumasok sa banyo.

Daniel's P.O.V. 

Andito ako ngayon kila Kath. Siguro nagtataka kayo kung anong ginagawa ko dito ng ganto kaaga?

Well gusto ko kasing kausapin yung papa ni Kath at ipaalam na liligawan ko ang anak nya. Naka-usap ko na dati yun sa cellphone pero gusto kong sabihin sa kanya ngayon ng personal. Gusto kong hingin yung permiso nya sa gagawin kong panliligaw.

What If? (A KathNiel Teen Fiction) [COMPLETED]Where stories live. Discover now