Chapter 35 His Real Side

3.3K 39 4
                                    

Don't forget to VOTE, COMMENT and FOLLOW!


Dedicated this chapter to fabulousbiatch. Thanks for the cover. :)

Chapter 35 

His Real Side 

Kathryn's P.O.V. 

Nasa kotse kami ngayon ni Daniel. Nagdada-drive lang sya at walang kibo. Parang ang lalim yata ng iniisip nya.

"Daniel saan na pala tayo pupunta nito?" tanong ko sa kanya kasi parang kanina pa kami paikot-ikot sa lugar na 'to

"Iuuwi na kita." sabi lang nya at ngumiti sakin

Hindi na lang ako nagsalita at nagpatuloy lang sya sa pagda-drive. Kaya lang napaligon ako sa likod dahil nalagpasan na namin 'yung daan papunta sa bahay namin.

"Uy Daniel, nalagpasan na natin 'yung sa amin." sabi ko sa kanya

"Alam ko!" naka-ngiti nyang sabi at sinulyapan ako ng makahulugang tingin

"Eh akala ko ba iuuwi mo na ako? Eh saan pa ba tayo pupunta?" nagtatakhang tanong ko sa kanya. Mukhang tinotopak na naman sya ngayon. Hahaha.

"Kaya nga! Iuuwi na kita." sabi nya na lang sakin at tumingin na ulit sa daan. Mahirap na baka bumangga pa kami.

"Huh? Di ko gets! Ang gulo mo talaga kausap. Hahaha." natatawang sabi ko sa kanya pero naguguluhan talaga ako.

"Iuuwi na nga kita sa BAHAY NAMIN."

"ANO?!!" Napasigaw pa ako dahil sa pagkabigla.

"Aiiish. Ang sakit sa tenga nun Kath ah. Bahala ka kapag nabingi ang boyfriend mo. Haha." pagbibiro pa nya sakin

"D-Don't tell me..." ni hindi ko magawang tapusin yung sasabihin ko dahil bigla akong nakaramdam ng kaba na ewan.

Oo, kami na nga ni Daniel. Pero hindi nya pa ako nadadala sa bahay nila. And never ko pa din na-meet 'yung parents nya kaya talagang kinakabahan ako kung saka-sakali nga.

"Yeah. Wag ka ngang kabahan dyan." sabi nya sakin at naramdaman ko na lang na pinatong nya yung kamay nya sa kamay ko.

"Paanong hindi ako kakabahan! Bakit naman meet the parents na kaagad ang peg mo ngayon? Hindi pa ako ready. Baka mamaya ayaw nila sakin or worse baka tutol sila sating dalawa. What if-----"

"Relax, Kath." putol nya sa sinasabi ko

"Kumalma ka muna, okay? Dadalhin nga kita sa bahay pero sa tingin ko wala dun sila mama at papa ngayon. Baka nga out of the country na naman sila eh." sabi nya and napansin ko na parang may lungkot sa boses nya nung sinabi nya na wala sa bahay nila yung parents nya. Pero ngumiti kaagad sya kaya di ko na lang pinansin.

What If? (A KathNiel Teen Fiction) [COMPLETED]Where stories live. Discover now