Chapter 38 Mystery Girl

2.8K 41 15
                                    

Salamat sayo dahil up to this point hindi mo tinigilan ang pagbabasa sa WHAT IF! Salamat sa support at pagbabasa. Mas gagalingan ko pa ang pagsusulat para sa inyo.

Medyo hinabaan ko na ang update ngayon kasi hindi pa ko sure kung kelan ko maipo-post ang next update. Kaya enjoyin nyo na ang pagbabasa.

And i-ready nyo din pala ang sarili nyo sa kaganapan sa chapter na ‘to. :)

Don’t forget to VOTE, COMMENT and FOLLOW!

 

Chapter 38

Mystery Girl

Daniel’s P.O.V.

Andito pa lang ako sa labas pero alam ko na marami ng tao sa loob. As expected sobrang engrande ang kalalabasan ng Underground Party. Sa totoo lang wala naman na talaga akong balak pumunta pa dito kasi wala naman dito si Kathryn. Paano ko maeenjoy ang gabing ‘to kung wala sya sa tabi ko?

Mas gusto ko ngang umattend sa reunion nila para makasama ko sya and at the same time para ma-meet ko na ang mga future relatives ko. Pero mapilit talaga si kumander eh. No choice ako kundi pumunta. Naaalala ko pa nga yung sinabi nya sakin ng nagpumilit akong sumama sa kanya.

“Hay nako, Daniel. Umattend ka nga dun sa underground party na yun. Victory party mo din yun kaya kailangan mong mag-enjoy kahit papaano. Tsaka baka ma-bored ka lang kapag sumama ka sakin sa reunion. Take this opportunity para makapag-saya ka naman kahit papano. Basta magbe-behave ka dun ah?”

 

“Eh paano naman ako magsasaya kung wala ka naman sa tabi ko? Tsaka di ako mabo-bored as long as ikaw ang kasama ko.”

 

 

Natatawa na lang ako kapag naalala ko yung conversation namin na yun.

Mukhang lahat ng estudyante pinaghandaan talaga ‘tong Underground Party. Kanya-kanya silang style sa suot nila. Halos karamihan sa mga babae patalbugan sa mga suot nila. Kulang na lang wag na silang magsuot ng damit eh. I mean sobrang iiksi kasi ng suot nila.

Yung iba naman simple lang suot. While yung iba naman mga naka-custome. At isa na ako dun sa mga naka-custome na yun. Ang pinasuot kasi sakin ng magaling kong ate ay isang prince charming suit. Yung parang katulad dun sa prince charming nung Cinderellang ewan na yun. Pumayag ako nung una kasi ang akala ko kasama ko si Kath. It turned out na hindi pala. Nakakabadtrip lang tuloy. So hindi na ako nakapag-palit ng custome kaya eto na lang ang sinuot ko.

Pumasok na ako sa loob ng underground.

Sobrang lakas ng tugtugan to the point na parang sasabog na yung tenga mo. Sanay ako sa mga ingay sa bar dati pero tumigil na kong mag-bar nang sagutin na ako ni Kath. Syempre dapat good boy ako pagdating sa kanya. Hahaha.

What If? (A KathNiel Teen Fiction) [COMPLETED]Where stories live. Discover now