Chapter 46.5 His Birthday (Part 2)

1.4K 47 23
                                    

Author's Note:

Ngayon palang, sinasabi ko na sa inyo na mahaba ang chapter na 'to. Ito na yata ang pinakamahabang chapter na naisulat ko.


Magcomment kayo sa baba ah. Hihintayin ko mga reactions nyo. Silent readers, magparamdam naman kayo oh.

 


Again, please bear with the typo's. Tsaka ko na lang ieedit. 


Chapter 46.5

His Birthday (Part 2)

Kathryn's P.O.V.

Pagkababa ko ay nakita ko si Kuya Neil na nagbabasa ng newspaper habang nakaupo sa couch.


"Ang tagal mo namang mag-ayos. Eh kahit ano namang ayos mo pangit k———-"


Hindi na naituloy ni kuya ang sasabihin nya ng lumingon siya sakin. Natatawa pa nga ako kasi nabitawan pa niya yung binabasa niya.


"Panget pala huh?! Kaya pala nakanganga ka." pang-aasar ko sa kanya


"P-Panget naman talaga huh! Dyan ka na nga." inis na sabi niya at umakyat sa kwarto niya


Iyon talaga si Kuya Neil napaka-pikon. Napakagaling mang-asar pero kapag siya na ang inaasar ang dali namang mainis. Hahaha. Ayaw nya pa kasing aminin na nagandahan siya sakin ngayon eh.


"Anak, ang ganda-ganda mo ngayon." sabi sakin ni mama at niyakap ako


"Oo naman po mama noh. Kanino pa po ba magmamana?" pabiro kong sabi kay mama kaya natawa na lang kaming dalawa


"Oh siya, kanina ka pa hinihintay ng sundo mo. Mag-iingat ka huh. And wag mag magpapa-abot ng midnight." paalala ni mama


"Okay po ma." then I kissed her on cheeks.


Pagkalabas ko ay nakita ko ang isang kotse na nag-aabang sa akin at pinagbuksan ako ng pinto. Nakita ko si Alexander at nginitian niya ako. Kilala ko siya, sya yung personal bodyguard slash driver ni Daniel eh.


"Ang ganda nyo po Miss Kath." bati nya sakin kaagad ng makita ako


"Salamat po." nahihiyang sabi ko sa kanya


"Tara na po. Kanina pa po naghihintay si young master." sabi niya at umalis na nga kami


Habang nasa biyahe kami ay hindi ako mapakali. Basta! Di ko maintindihan ang nararamdaman ko. Feeling ko may masamang mangyayari or napapraning lang ako ngayon. Eh kasi naman kinakabahan ako sa sasabihin ko kay Daniel mamaya eh.


Napahawak ako sa suot kong kwintas.


"Handa na ako para mamaya." mahinang bulong ko sa sarili ko


Hindi din nagtagal ay nakadating na kami sa venue ng paggaganapan ng party. Halos malula ako sa dami ng tao. As in sobrang dami talaga.

What If? (A KathNiel Teen Fiction) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon