Chapter 31.5 First Day As A Couple (part 2)

3.9K 44 3
                                    

Sorry for being busy. Pansin nyo ba na sa bawat update ko ay may nakalagay na busy ako? Eh sa palaging busy talaga ang author nyo eh. Hahaha. Sana maintindihan nyo at huwag sukuan ang pagbabasa. Salamat ng marami!

Parami na ng parami ang nagbabasa ng WHAT IF kaya sobrang nakakatuwa. Maraming maraming salamat sa suportang ibinibigay nyo. Hinding-hindi ako magsasawang magpasalamat sa inyo.

Dedicated this chapter to ydelmae_selda. Thanks for the awesome and cute book cover of WHAT IF!

VOTE, COMMENT and FOLLOW!

Chapter 31.5 

First Day as a Couple part 2 

Kathryn's P.O.V. 

Sa kaka-isip ko ng mga kalokohang ginawa ni Daniel ay di ko namalayan na nakarating na pala kami sa school.

Marami kasi akong iniisip at lumilipad ang utak ko kaya wala ako sa sarili ko.

Kinakabahan ako sa mga fansclub ni Daniel dahil baka kuyugin ako ng mga 'yun. Andami pa naman nyang fans at dinaig pa ang artista kaya siguradong dudumugin din nila ako. At ang iba naman ay paniguradong malaki ang galit sakin dahil boyfriend ko na ang pinapangarap nila.

Nawala lang ako sa isiping 'yun ng biglang hawakan ni Daniel ang kamay ko.

"It's okay, Kath. Akong bahala sayo." sabi nya sakin na para bang nabasa nya ang gumugulo sa isipan ko.

Nginitian ko na lang sya bilang tugon ko.

Bumaba na sya sa kotse nya at dali-daling lumipat sa kabilang pinto para pagbuksan ako.

Nang mabuksan na nya ang pinto ay inilahad nya ang kamay para alalayan ako sa pagbaba. Pero di ko kaagad kinuha 'yun dahil natatakot pa akong bumaba.

Nakalimutan ko na mag-iiba na pala ang takbo ng buhay ko ngayong kami na ni Daniel. Maraming mata na palagi ang nakatingin sa amin at manggugulo sa pribado naming buhay-buhay.

Kinuha ni Daniel ang kamay ko at marahan nya iyong pinisil para pagaanin kahit papano ang kabang nararamdaman ko. Dahil sa ginawa nya ay nagkaroon bigla ako ng lakas ng loob. Alam ko namang kahit anong mangyari ay lagi syang nandyan sa tabi ko.

Pagbaba ko ay ngumiti sya sakin at sabay na kaming naglakad papasok sa school.

Gaya ng inaasahan ay maraming mata ang nakatingin sa amin habang naglalakad sa hallway. 'Yung iba nginingitian pa kami at 'yung iba naman ay binabati pa kami ng 'magandang umaga'. Tumatango na lang ako bilang sagot sa kanila.

Di ko din maiwasang madinig 'yung iba na pinag-uusapan kami ni Daniel.

"Grabe! Ang gwapo talaga ni Daniel." 

"Oo nga eh! At ang ganda din ni Kath" 

"Yeah! Sinabi mo pa." 

"Bagay silang dalawa at ang cute nilang pareho."

What If? (A KathNiel Teen Fiction) [COMPLETED]Where stories live. Discover now