Chapter 24

123 38 0
                                    

Chapter 24


Alice POV

Nagising ako dahil sa pag uusap nina Prinsesa Melody at Darlina.

"Gisingin na natin si Alice," mataray na wika ni Prinsesa Melody.

"Teka! Wag muna. Mukhang hindi sya nakatulog ng maayos kagabi," nag aalalang sambit ni Darlina.


"Magugutom sya kung hindi sya kakain ng agahan," muling  saad ni Prinsesa Melody at kahit nakapikit ako siguradong nakasimangot nanaman sya.

"Wag na muna kasi," pagpigil naman ni Darlina.


Napangiti na lang ako habang nakapikit pa rin. Kahit na naririnig ko lang ang boses nila ay na iimagine ko na ang cute nila magbangayan.

"Gising na ako kaya wag na kayong magbangayan dyan," nakapikit pa rin ako habang nag sasalita.

"Kung gising ka na nga, tumayo ka na dyan dahil kakain na tayo ng almusal," mataray na saad ni Prinsesa Melody.

Dumilat naman ako saka agad na naupo  at binigyan sila ng matamis na ngiti.  Tumayo na ako at lumapit sa malaking salamin na nasa loob ng kwarto na katabi ng cabinet. Sinuklayan ko ang itim kong buhok habang nakatingin sa salamin. Nalungkot ako bigla ng maalala yung pinag usapan namin ni Cassandra.  Napalingon ako sa pinto ng marinig kong may kumatok kaya naman lumapit ako para buksan iyon. Nasa tabi ko naman si Prinsesa Melody at si Darlina naman ay nasa balikat ko. Pagbukas ko pa lang ng pinto ay bumungad sa amin ang nakangiting mukha ni Millie. Mukhang masaya sya ngayon.


"Magandang umaga Alice, Darlina at ganoon din po sa iyo Prinsesa Melody, " nakangiting bati ni Millie.

Nginitian ko sya pabalik." Magandang umaga rin sayo."

"May ipinabibigay sa iyo si Miss Cassandra. Heto oh." May inabot sya sa'king handbag na dark blue ang kulay.

Inabot ko naman yung handbag mula sa kamay nya. Nagtataka ko syang tiningnan at pati na rin ang handbag na ibinigay nya sa akin. Pumasok sya sa loob kaya naman isinara ko ulit ang pinto. Humarap ulit sa'kin si Millie habang nakangiti pero nagtataka pa rin ako sa hawak kong handbag.


"Tingnan mo yung nasa loob," Abot langit ang ngiti ni Millie at halatang nae-excite syang buksan ko yung handbag.

Binuksan ko ang handbag at nakita ko ang kapiraso ng tela. Sumenyas si Millie na hilahin ko ang tela kaya naman dahan-dahan kong hinila ang piraso ng tela na iyon at namangha ako ng makita ang kabuuan. Isang napaka eleganteng dark blue na dress. Abot hanggang tuhod ito at mahaba ang manggas na maluwag sa dulo. Mayroon din itong silver na belt. May kasama pang crystal blue heels na hindi naman kataasan at may bracelet pang kasama . Nagbihis kaagad ako at tinulugan ako ni Darlina na itirintas ang buhok ko.

Hinatid kami ni Millie papunta sa dinning area. Napakahyper nga nya ngayong umaga. Parang hindi lang sya nag drama sa'kin kagabi. Siguro nga mas gumaan ang loob nya.


"Uy Alice nandyan na pala kayo! Magandang umaga," nakangiting bati ni Xylo habang kumakaway sa amin.


Ngumiti lang ako sa kanya saka tumingin sa katabi nyang si Ginoong Theodore. Napasimangot ako ng makitang ang seryoso ng tingin nya sa'kin. Bakit ba lagi syang ganoon?Naupo na ako sa mga naging pwesto namin kagabi. Teka nga, bakit ganoon? Bakit parang madilim pa rin sa labas?



"May bagyo pa rin kaya naman madilim pa rin ang paligid at napakalakas pa rin ng ulan," seryosong sambit ni Ginoong Theodore na para bang sinagot ang tanong ko.


Alice💠Donde viven las historias. Descúbrelo ahora