Chapter 22

136 39 0
                                    


Chapter 22

Alice POV

Napakasarap ng mga hinaing pagkain sa amin kanina. Kaya parang sasabog na ang tyan ko dahil sa kabusugan. Hindi dapat ako kalain na marami kaso lang hindi ko talaga mapigilan.

Mukhang mahimbing na ang tulog nina Prinsesa Melody at Darlina pero ako, heto at gising pa rin. Hindi ko mapigilan na mag-isip. Ano kaya ang mangyayari sa amin sa mga susunod na araw?

Kinakabahan lang kasi ako sa mga nangyayari. Napaupo ako at napatingin sa bintana na napupuno ng patak ng malalakas na ulan. Paano kung hindi pala nasapian ni Iona si Miss Cassandra? Paano pala kung balak nya talaga kaming patayin? Paano kung sa patibong lang pala ang lahat ng nandito? Pano kung ikulong nila kami at malaman nila na tao talaga ako?



Natigilan ako sa pag-iisip ng biglang may narinig akong kaluskos sa may parte ng malaking aparador.




"Miss Alice, bakit hindi ka pa tulog?" Tanong ng isang boses.



"S-sino yan?" Umatras ako ng kaunti at muling nilingon sina Darlina at Prinsesa Melody.

Mukhang masyado ng mahimbing ang tulog nilang dalawa. Narinig kong may tumawa yung sa may aparador. Luma na ang design ng aparador na ito na gawa sa kahoy. Napakunot ako ng noo ng wala naman akong makitang kahit sino na nasa aparador. Alam ko naman na may mga multo rito kaya lang ang creepy naman kung boses lang yung maririnig ko at wala akong makita na kahit ano. Kinabahan tuloy ko. Baka minumulto na nila ako.


"Ako lang po ito."

Lumitaw ang isang batang babae sa ibabaw ng parador.




Napahawak ako sa dibdib. "Ikaw lang pala yan. Tinakot mo naman ako."


Ngayon, nakahinga ako ng maluwag ng makita kong si Millie lang naman pala yun. Mas matatakot ako kapag may nagpakita nanaman sa'kin na duguan o kaya naman ay walang mukha. Baka pa nga mahimatay ako dahil sa takot. Tumayo ako saka binuksan ang bintana saka muling naupo habang nakayakap sa tuhod.


Nakakamangha lang dahil hindi ako natataksikan ng tubig mula sa labas kahit pa malalakas ang mga patak ng ulan. Para bang may shield yung bintana kaya hindi ako nababasa. Pero kahit pa nakakamangha ang lugar na ito ay hindi ako mapakali sa mga pwedeng mangyari habang nandito ako.


"It seems like there are so many thoughts inside your head," Usisa ni Millie ng makalapit sya sa'kin.


Umiling na lang ako sa kanya. Gusto ko man ay hindi ko pwedeng ikwento sa kanya ang sitwasyon ko ngayon. Baka mapahamak pa ako at ang mga kasama ko.


"Gusto mo ba ng mainit na gatas?" Tanong ni Millie saka inabot sa'kin ang isang puting baso.

Kinuha ko naman yun. Teka? Di ko napansin na may hawak sya kanina o baka naman di ko lang talaga napansin dahil sa pag iisip.

"Salamat. Teka, paano mo pala 'to nadala dito?" Tanong ko sa kanya habang hinahawakan ng mahigpit ang baso.


Akala ko kasi talaga tumatagos lang yung mga bagay sa kanya.

"Hinawakan ko," nakangiti nyang tugon nya.

Tiningnan ko lang sya ng seryoso.


"Uy biro lang naman," tumawa sya ng mahina at muling tumingin sa'kin. "May mga bagay na kaya kong hawakan at may mga bagay na hindi. Parang limitado lang ang mga bagay na kaya kong hawakan. Madalas na hindi ko nahahawakan ay iyong mga buhay pa," wika muli ni Millie saka tumingin sa bintana.

Alice💠Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang