Chapter 50

169 22 0
                                    

Alice POV

Hindi ako makapaniwalang sinayang ko ang halos dalawang buwan na bakasyon dahil nagkukulong lang ako sa kwarto. Mabuti na lang talaga at nakausap ko si Shaina. Dahil sa kanya mas naliwamagan ako. Naalala ko na naman tuloy yung pag-uusap namin.

"Ano ba talagang nangyayari sayo Ally? Nag aalala kami lalo dahil sa kinikilos mo," Halata sa boses ni Shaina ang pag aalala habang nasa kabilang banda ng pinto. Ayaw ko kasing makipag usap kahit kanino kaya nakahiga lang ako sa kama at nakatalukbong ng kumot. Kakabalik nya lang galing sa bakasyon nila ng family nya kaya dumiretso sya sa bahay.

Alam ko naman na nag aalala lang sila sa'kin pero wala talaga ako sa tamang wisyo para makipag usap sa kahit kanino. "Umalis ka na!"

"Hindi ako aalis hangga't hindi kita nakakausap ng matino. Sorry, kung gagawin ko 'to." Matapos nyang sabihin yan ay may malakas na kalabog akong narinig.

Sa pagtanggal ko ng kumot ay bumungad sa'kin ang nakatagilid ng pinto at itinutulak na ito kasama ang study table ko. Nanlaki ang mata ko dahil mukhang sinira na ni Shaina ang pinto para lang makapasok. Nagulat talaga ako ng oras na iyon dahil hindi ko inaasahan na masisira nya yung pinto ng kwarto ko. Nakakunot ang noo nya saka matalim na nakatingin sa'kin. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko sa bawat pag hakbang ni Shaina dahil hindi ako sanay na ganyan sya.

"Tama na! W-wag ka ng lumapit! Alam ko na hindi nyo ko m-maiintindihan! Kahit anong sabihin ko wala lang sainyo. Tsaka wala na sila! Kasalanan ko kung bakit nawala si Blanca at yung tribo pati na rin si Theodore..Dapat lang na di–" Isang malakas na sampal ang bumungad sa'kin ng tuluyang lumapit si Shaina.

Nanlaki ang mata ko sa sobrang gulat at dahan-dahang hinawakan ang kaliwang pisngi ko na nasampal nya. Napayuko ako at napakagat ng labi dahil sa sakit, hindi dahil sa sampal pero dahil sa mga nangyari sa Tierra Magica. Sigurado na akong hindi yun isang panaginip lang.

Alice💠Where stories live. Discover now