Chapter 20

144 40 0
                                    


Chapter 20

Alice POV

"Shaina? Ikaw ba yan?" Tanong ko pero imbes na sumagot ay tumingin lang sa akin ng seryoso ang babae.


Naguguluhan na ako ngayon. Hindi ko alam kung sya ba yung bestfriend ko. Nakakatakot ang aura nya para bang balak nya akong saktan. Hindi ko alam pero parang nakadikit lang ang paa ko sa sahig. Ni hindi ko magawang umatras palayo sa babae.

Yung matatalim na tingin sa akin ng babae ay hindi maalis. Nakatingin lang din ako sa kanya. Yung mukha nya talaga kamukhang-kamukha ng bestfriend ko. Itinaas ng babae ang kanyang kanang kamay. Saka itinutok sa akin. May nakita akong kulay berdeng apoy mula sa kamay nya. Nanlaki ang mata ko dahil baka matusta ako kapag nahagip ako ng apoy na yun. Napapikit na lang ako napatakip ng mukha dahil hindi ko maigalaw ang katawan ko. Hindi ako makatakbo papalayo.


"Hindi ka na dapat lumayo sa akin," saad ng isang malalim na boses.



Sa pagdilat ay nakita ko sya na nakatayo sa harapan ko. Nakaharang sya ngayon sa akin. Nakaharap sya sa babae at sinangga ang apoy na dapat ay saakin na tatama.




"P-pasensya na...Theodore...." nakayuko kong sambit at nanginginig na ang boses ko.




Shems! Bakit nga ba Theodore lang yung tinawag ko sa kanya? Hay naku naman! Baka magalit pa sya saakin nyan.



"Hindi kami naparito sa iyong mansion upang manggulo. Nais lamang namin na may matuluyan kahit ngayong gabi lang," magalang na saad ni ginoong Theodore.




Wala akong narinig na sagot mula sa babae. Dahil nasa harap ko si ginoong Theodore ay sumilip ako sa bandang gilid at nakita ko ang nanlilisik na mata ng babae. Itinaas nya ang kaliwang kamay saka nagpakawala ng apoy. Nanlaki naman ang mata ko dahil papalapit na ang green na apoy ng babae. Nagtago agad ako sa likod ni ginoong Theodore at kumapit ng mahigpit sa black cloak nya.




Mabuti na lang at nagpalabas agad si ginoong Theodore ng apoy mula sa palad nya kaya naman napunta lang sa gilid namin yung apoy na galing sa babae. Pinangsangga ni ginoong Theodore sa sariling apoy laban sa apoy ng babae.




"Tumakbo ka na at sabihan si Xylo. Umalis na kaagad kayo rito. Mukhang mali ang napuntahan natin,"seryosong sambit ni ginoong Theodore habang nakaharap pa rin sa babae.




Kahit na natatakot ako ay pinilit kong umatras at tumakbo. Muli akong lumingon kay ginoong Theodore nagpakawala pa rin sya ng kulay orange na apoy sa palad nya. Kaya naman magkahalong green at orange na apoy na ang nakikita ko. Muntikan pa akong matamaan ng green na apoy kaya naman mas binilisan ko pa ang pagtakbo.





Pag minamalas ka nga naman oh! Pababa na sana ako sa hagdan pero bigla na lang sumulpot sa ibaba yung naka black na dress na babae kanina.



"Bakit ka narito?!" Pasigaw na tanong ng babae.




Hindi ako makasagot sa kanya. Para bang nanuyo na lang bigla ang lalamunan ko. Yung tingin nya pa saakin ang talim para bang pinapatay na nya ako sa isipan nya.



"Basta na lang kayong pumasok dito. Talaga bang nais nyo lang ng matutuluyan? Dahil sa tingin ko ay nais nyong pagnakawan ang mansion! "Sigaw ng babae na umalingaw-ngaw sa buong paligid.



Tanging iling lang ang
Tanging iling lang ang naisagot ko sa kanya. Hindi ko alam kung paano ako makakapagexplain ng maayos sa kanya dahil halata naman na galit sya. Tumalikod ako para sana maghanap ng ibang daan paalis pero iba ang nakita ko.

Alice💠Where stories live. Discover now