Chapter 5

180 63 6
                                    


Chapter 5

Alice POV

Umupo ako sa pagkakahagis sa akin nang babae. Grabe! ang lakas talaga nong babae na iyon. Dahan-dahan akong tumayo at pinagpagan ang sarili. Ang dumi na tuloy ng pantalon ko dahil sa patuloy na pag takbo.


Nabaling ang atensyon ko ng may marinig akong nag uusap. Lumapit ako doon sa halamanan na hindi kalayuan doon sa bahay kanina. Hinawi ko yung mga halaman na kulay violet para makita ko kung sino yung nag uusap. May gumuhit na ngiti sa aking labi ng makita yung rabbit na kanina ko pa sinusundan. Kinakausap nya yung squirrel na may dalawang ulo. Teka?! Dalawa ang ulo?


Napakurap ako saka kinusot  ang mga  mata. Baka kasi namamalik-mata lang ako pero hindi kasi dalawa talaga yung ulo nang squirrel. Hindi ko naman marinig yung pinag uusapan nila dahil medyo malayo ako. Nakita kong tumakbo na naman ang rabbit kaya agad ko syang sinundan.

Habang natakbo ay napansin ko na naman na nag iiba yung paligid. Yung kaninang mga nag lalagas na puno na kulay brown, yellow at orange ay nagbago. Para bang tagsibol na dahil naging kulay berde ang mga puno na nadadaanan ko. Patuloy lang sa pagtakbo ang rabbit na sinusundan ko. Parang hindi nya napapansin na may sumusunod sa kanya.

Sa pag takbo ay nadapa na naman ako. Hindi ko na kasi napansin yung ugat ng puno sa dinadaanan ko. Masyado nang napabilis ang pagtakbo ko kaya hindi ko na nagawang pansinin yung mga ugat ng puno.

Napangiwi ako saka tumayo kaagad at lumingon sa paligid. Nawala na naman sa paningin ko yung rabbit na sinusundan ko. Dahan-dahan ang lakad na lang ako kasi naman ang sakit na ng paa ko. Halos iika-ika na ako habang lumalakad. Kanina pa kasi ako natakbo at nadadapa.

Nag lakad lang ako ng naglakad. Sinusundan ko lang yung daanan na kulay dilaw. Hindi ko sigurado kung dito nga dumaan yung rabbit na kanina ko pa sinusundan pero hindi naman masamang subukan ang daanan na ito.


Hindi ko mapigilan ang mapangiti at mamangha dahil sa ganda ng lugar. May mga puno pa rin sa paligid pero hindi na nakakatakot tulad kanina dahil wala ng mga mukha ang mga puno na nandito. May iba't-iba pang klase ng halaman akong nakikita. May mga mushroom at mga halaman na may malalapad na dahon at hindi pangkaramiwan ang kulay ng mga halaman. May mga halaman pag nga na parang may glitters. Mayroon din na mga makukulay na  paru-paro. Para silang mga rainbow na lumilipad. Maririnig din ang huni ng mga ibon na para bang musika sa aking pandinig. Ang weird lang kasi yung ibang mga ibon ay tatlo ang ulo. Yung iba naman ay butiki na kayang gayahin ang huni ng ibon.




Napatigil ako ng makita ang isang napakataas na pader na gawa sa bato at may vines pa. Mukhang luma na ang pader dahil na rin sa mga lumot at vines na nakakadikit. Lumapit ako at hinawakan yung pader. Napakunot ang noo ko.


Kinapa-kapa ko yung pader nag babaka-sakali lang ako na makita ang pinto. Pero sa kasamaang palad ay wala akong nakitang pinto. Nakaharap lang ako sa pader. Nakacross arms at nag-iisip kung papaano ako makakalusot o makakalagpas sa mataas na  pader.

Nagulat ako ng biglang mag ilaw ang snowflake pendant na suot ko. Ang sunod kong ginawa ay idinikit ko ang aking kamay sa pader. Napapikit ako dahil kahit ako mismo ay hindi naiintidihan ang nangyayari. Kakaibang sa pakiramdam habang nakapikit ako. Para bang malamig at nakakakiliti.

Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga  mata at nakita kong muli ang kulay dilaw na daanan .Lumingon ako kaliwa at kanan  dahil nawala yung pader na nasa harapan ko lang kanina. Paglingon ko sa likod ay nakita ko ang pader. Hala! Nakalagpas ako sa pader ng hindi ko alam kung papaano. Napakunot ang noo ko saka sinamaan ng tingin yung pader. Kasi hindi ko talaga mafigure out kung bakit ako nakalagpas sa pader. Napakalaki ng pader na ito at mukhang matibay. Imposible na bigla na lang akong  nakalagpas. Hay bahala na nga!

Bago ko pa tuluyang ihakbang ang aking mga paa ay umilaw muli ang suot kong pendant. Ng mahawakan ko naman ang pendant ay tumigil na ito sa pag ilaw. Ang weird.


Nagkibit-balikat lang ako at nag patuloy sa pag lalakad. Patuloy ko lang na sinusundan ang dilaw na daanan. Katulad kanina ay mga kakaibang halaman ng nasa magkabilang gilid ng daanan. Na halos isang metro lang ang lapad. Kung dadaan man ang mga kotse ay hindi magkakasya dahil maliit lang ang space.


Huminto ako ng makita ang isang napakalaking karatula.


"Rabbit Kingdom.."pagbasa ko sa karatula.



Aba! May kaharian din pala ng mga rabbit? Siguro nga meron talaga dahil nandito na ako.



Maya maya pa ay nakita ko ang napakalawak na taniman. Hindi ako sigurado kung ano ang mga nakatanim doon pero may nakita akong mga rabbit. Rabbit na nakabihis na parang tao. Para silang mga magsasaka base sa kanilang damit. Mukhang aalis na sila sakay ng isang itim na karwahe. May dala silang basket sa kanilang likuran at isinakay ang mga iyon sa itim na karwahe na gawa sa kahoy. Mukhang hindi nila ako napapansin kaya agad ko silang sinundan.


اوووه! هذه الصورة لا تتبع إرشادات المحتوى الخاصة بنا. لمتابعة النشر، يرجى إزالتها أو تحميل صورة أخرى.












Mabagal lang ang pagpapatakbo sa karwahe kaya naman hindi ako nahirapan sa pagsunod. Napansin ko rin yung kabayo na naghihila ng karwahe. Dalawa kasi yung ulo ng brown na kabayo pero iisa lang ang katawan. Ang weird talaga.



Habang naglalakad ay may nadadaanan akong mga maliit na bahay na hugis carrot. Tapos may mga bakuran at gate  din sila na parang sa tao. Nakakatuwa naman ang lugar na to. Small size lang kasi yung mga bahay na nakikita ko kaya ang cute!



May ilan pang mga maliliit na rabbit na naghahabulan. Ng papunta na sila sa direksyon ko ay kaagad ko silang iniwasan.


Pagkalagpas sa mga kabahayan ay may madadaanan na tulay. Sa ilalim ng tulay ay may ilog. Sinilip ko sandali ito at nakita ang napakalinaw nitong tubig. Kitang-kita ko ang aking repleksyon at ang bughaw na kalangitan.



Pagkalagpas sa tulay ay maririnig ang ingay. Habang papalapit ay mas nagiging malinaw ang ingay na maririnig. Sigaw pala ng mga tindero na gustong makarami ng benta. Nakakatuwa silang pagmasdan. Mas matangkad pa ako kaysa sa mga nakatayong tindahan na nandito. Makikita rin ang sigla ng mga mamimili at ng mga nagtitinda. Buhay na buhay ang pamilihan na ito.




Tumigil naman itong rabbit na nakasakay sa karwahe at ibinaba ang mga nasa basket papunta sa isang tindahan ng mga gulay at prutas. Hindi ko na muling sinundan pa ang rabbit na iyon dahil nahiga na lang sya sa tabi ng tindahan at natulog.




Muli akong naglakad kahit hindi ako alam kung saan ba ako pupunta. Ang dami ko ng nadadaanan na rabbit pero ang ipinagtataka ko ay parang hindi nila ako nakikita.




Naisip ko na kalabitin yung isang lalaking rabbit na namimili ng prutas pero nang lumingon sya sa paligid ay nanginig sya na parang natakot at bigla na lang nag tatakbo. Siguro nga hindi nila ako nakikita. Kasi kung nakikita nila ako ay baka nag panic na silang lahat at tumakbo gaya ng nangyari sa rabbit na kinalabit ko. Pero paano ako naging invisible?



Tiningnan ko yung kamay at paa ko. Ok lang naman mukha naman akong normal. Hindi katulad sa mga napapanood ko sa mga movie na para bang  lumalabo yung kulay ng balat kapag invisible.


Napailing-iling na lang ako at nagpatuloy  sa pag lalakad. Muli akong huminto ng makita ko sya..







~~







Alice💠حيث تعيش القصص. اكتشف الآن