Chapter 40

137 27 0
                                    


Chapter 40




Alice POV

Sa makalipas na apat na araw ay wala kaming ginawa kundi ang maglaro, magkwentuhan, magtawanan at kumain. Masasayang alaala ang mga nagawa namin.

Napabumuntong-hininga naman ako habang inaayos ang mga gamit ko. Nakakapagtaka lang kasi naubos na yung laman ng jar na ibinigay sa akin ni Cassandra pati yung ibang pagkain na pinadala ni Reyna Harmony. Sa pag kakatanda ko sobrang dami pa no'n kaya hindi kaagad mauubos. Hindi ko naman natatandaan na kinain ko ang mga iyon dahil nga mas kakailanganin ko iyon sa paglalakbay namin sa Amare.

"Melody, Darlina kinain nyo ba yung mga pagkain na nandito sa bag ko?" Tanong ko habang bitbit ang bag na ibinigay sa akin ni Reyna Harmony.

Umiling-iling naman silang dalawa sa akin. Hindi naman sila nag sisinungaling sa akin. Imposible na ang mga batang gala ang nagnakaw ng pagkain dahil malalagot sila kay Theodore.  Sino naman kaya kakain ng mga pagkain dito?

Nagkibit balikat na lang ako saka muling nilagay yung jar sa loob ng bag. Habang bitbit ang bag ay dumiretso na muna ako sa kusina para maglagay ng nga pagkain namin. Naglagay din si Xylo sa bag nya.

"Dapat na marami ang dalhin nyo na pagkain. Baka magutom kayo sa paglalakbay," nakangiting nilalagay ni Pearl yung mga pagkain. Karamihan sa mga pagkain ay mga biskwit at tinapay.

Paglabas ko pa lang ay napansin ko ang isa pang isla. Halos katapat lamang ito ng Amare. Pero ibang iba ang itsura nito. Dahil madilim at mukhang nakakatakot ang isla. Itim din ang kulay ng tubig at mahahalatang nakahati ang dagat. Ang kabila ay kulay asul at mukhang masagana habang ang kabila naman ay sobrang itim na parang walang kabuhay-buhay.

"Mukhang hindi ko pa naikwento sayo ang isla na iyan." napalingon ako kay Xylo na nasa gilid ko na pala. "Iyan ang isla ng Olum. Ang ibig sabihin ng Olum ay kamatayan. Nasa isla na iyan ang mga pinakamabagsik na halimaw na iyong naiisip. Sa isla na yan din nakatira si Thalia ang reyna ng kadiliman. Sinasabi nila na wala syang hari at hindi nya raw iyon kailangan. Mga dyos at dyosa ang mismong nagsumpa sa isla kaya walang sino man ang pwedeng lumabas o pumasok sa isla. Hindi rin ito gaanong nasisilayan ng araw kaya kung makikita mo mula rito ay napakaitim nito at mukhang walang kabuhay-buhay."


Napaisip tuloy ako. Edi mas delikado kung halos magkatapat lang ang Amare at Olum. Kasi nandoon nakatira si Thalia. Mas madali nya lang masasakop ang Amare kung gugustuhin nya. Pero isinumpa ang isla kaya paanong nakakasalakay pa rin sila?

"Mukhang nagtataka ka. Dati kasi ay buo pa ang Amare at Olum. Ngunit dahil sa ginawa ni Thalia ay napaghiwalay  ito. Nag-umpisa kasi sya ng digmaan at nais nyang pumalit sa trono upang mamuno sa buong isla. Ang lahat ng mga sumunod at umayon sa plano ni Thalia ay isinama sa isla habang ang mga natira ay nanatili sa Amare. May ginawa siguro si Thalia upang mareverse ang sumpa para makaalis din sya rito at makasalalay sa ibang lugar. Malakas sya mula na rin sa mga naririnig kong kwento tungkol sa kanya. Pero wag mo na intindihin yung Olum dahil sa Amare naman ang punta natin." Tinapik nya ng marahan ang ulo ko saka naunang maglakad.





Pagdating ko naman  sa deck ng barko ay kompleto na kami. Kahit si Clyde nandito nakangiti lang sya sa akin yung malagilagid. Bakit ba parang napipilitan lang sya?

"Napagalitan kasi sya ni Pearl kanina." Napatingin naman ako kay Theodore na biglang nagsalita.

Pinipigilan ko  na hindi tumawa dahil mukhang batang pinilit mag picture yung ngiti ni Cylde. Lumingon naman ako sa mga batang gala at mahahalata sa mga itsura nila ang lungkot. Kaagad silang lumapit sa akin saka ako niyakap ng mahigpit. Naging malapit naman ako sa kanila kahit papaano kaya nakakalungkot na iiwan ko rin sila. Baka nga hindi na kami magkita ulit. Kumalas na sila sa pagkakayakap at muli akong tiningnan.

Alice💠Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon