Chapter 25

117 37 0
                                    

Chapter 25

Alice POV

Natigilan ako sa pag lalakad ng makasalubong ko ang parents ni Cassandra.

"Magandang umaga po," nakangiti kong bati saka nag bow.

"Naku iha, hindi mo na kailangan pang maging masyadong pormal sa amin lalo na at kaibigan ka naman ng anak namin," nakangiting saad ng tatay ni Cassandra.

Akala ko talaga nandoon lang sila sa Madilim na kwartong yun nag lalagi. Pero mukhang malaya rin silang nakakapaglibot dito sa mansion.

"Iha, may problema ba?" Natauhan ako ng mag salita ang nanay ni Cassandra.


"Ah-eh wala po," ngumiti pa ako sa kanila kahit na medyo pilit lang.

"Sige iha. Mauna na kami pupuntahan na namin si Cassandra. Mukhang may problema kasi sya," nakangiting saad ng tatay ni Cassandra.


"Good Morning ulit," nakangiting bati sa akin ng nanay ni Cassandra



Lalagpasan na sana nila ako pero bigla kong naalala yung sinabi ni Cassandra.



"Lagi silang nandyan para saakin. Lagi nila akong ginagabayan habang nandito pa rin sa tabi ko. Hindi naman masama na pinag papahinga ko sila di ba? Alam ko, ramdam ko na nahihirapan sila kahit pa kasama ko sila. Nais ko lang naman na mawakasan na ang pag hihirap nila."



"Teka po, sandali lang," tumingin ako ng diretso sa kanilang dalawa.

"Bakit iha?" Nagtatakang tanong ng tatay ni Cassandra.


"Pwede ko po ba kayong makausap?" Umaasa ako sa mga oras na ito na makakapag usap kami ng maayos.


"Ah baka kasi nahihirapan na si Cassandra sa pag di-desisyon para sa mga palamuti na gagamitin para sa mansion. Inaantay nya na rin kami," mabilis na tugon ng tatay ni Cassandra.

"Kahit sandali lang po. Pakiusap.." Pagmamakaawa ko.


"Pagbigyan na natin sya mahal. Mukhang may importante syang sasabihin," malambing na sambit ng nanay ni Cassandra.



Bumuntong hininga na lang ang tatay ni Cassandra at pumayag na makipag usap. Nagpunta kami sa isang kwarto ng mansion kung saan punong-puno ng mga magagandang bulaklak at kakaibang mga halaman. Hindi ko akalain na may ganito pala kagandang kwarto sa mansion. Mukhang hindi ko pa talaga nalilibot ang buong mansion. Kung sa bagay, hindi pa kami umaabot ng isang araw dito.



Dinala ako rito ng parents ni Cassandra dahil mas maganda raw kung dito kami mag uusap. Sa gitna ng kwarto ay may isang round table at mga upuan. Puti ang kulay nito at may blue flower na desing ang likod ng upuan.




"Sige, ano ba ang sasabihin mo?" Tanong ng nanay ni Cassandra.



Nag umpisa na akong mag paliwanag sa kanila. Sinabi ko ang mga hindi masabi ni Cassandra. Alam ko naman na hindi ako dapat manghimasok sa kanilang pamilya pero kaibigan ako ni Cassandra. Gusto kong maging maayos sila. Gusto kong maging malinaw ang lahat.




"Teka? Si Cassandra ba talaga ang nagsabi sayo?" Tanong ng nanay ni Cassandra na halatang gulat.


Tumango ako. "Opo gusto nya po talagang makapagpahinga na kayo at maging bituin."


Tumawa naman ng mahina ang tatay ni Cassandra. "Si Cassandra talaga."Umiling-iling pa sya.

"Mahal, mukhang kailangan din nating kausapin si Cassandra." Hinawakan pa ng nanay ni Cassandra ang kamay ng kanyang asawa.


Alice💠Où les histoires vivent. Découvrez maintenant