Chapter 51

121 10 0
                                    


Chapter 51

Alice POV

"Ally! Bilisan mo!" Nasa tapat na ng gate si Shaina at kumakaway-kaway sa'kin.

Mabilis akong naglakad pero huminto rin ako ng makita ang bato sa daan. Umiwas ako rito gano'n na rin sa poste na madalas akong mabangga. Akala nyo ah! wag ngayon. Ayokong atakihin ng kalampahan. Pagkalapit ko kay Shaina ay sabay na kaming pumasok.

"Narinig ko mula sa iba nating kaklase na may girlfriend na raw si Josh. Ang daya talaga ng lalaking yun di manlang sinabi sa'tin. Dapat tayo yung mauunang makaalam. Tss.." Ngumuso pa sya at humalikipkip.

Oo nga pala, magmula ng makabalik ako rito sa Wonderland Village di ko pa sya nakakausap. Hindi ko pa rin alam yung dahilan kung bakit nya ako gustong kausapin noong mga panahon na aalis sana kami nina lolo at lola. Tatanungin ko na sana sya tungkol dapat nyang sabihin sa'kin peri di ko na sya ma-contact. Ewan ko kung anong nangyare sa kanya. Wala na kaming alam ni Shai sa nangyayari sa buhay ni Josh. Di naman sya madalas na gano'n.

Halos isang buwan na mag mula ng mag simula ang klase. Sa loob ng isang buwan ay marami ng nangyari. Maraming projects, assignments at mga presentation ang pinapagawa sa'min pero kayang kaya naman namin. Minsan nga kahit individual yung pinapagawa nagiging groupings na dahil nagtutulungan at tinuturuan namin ang isa't-isa. Kaya nga nakakatuwa ang mga kaklase ko. Pero kahit na gano'n nalulungkot ako kasi biglang nagbago ang pakikitungo ni Josh sa'min. Hindi na sya yung lagi naming nakakasama kapag recess or tuwing lunchbreak. Napapansin namin na lumalayo na sya.

Malamang na totoo ngang may girlfriend na sya kaya di na nya kami pinapansin. Busy na rin siguro sya ngayon dahil kasama na sya sa student council. Naisip ko rin na kaya di na nya kami pinapansin kasi nga may girlfriend na sya. Baka mag selos yung girlfriend nya kapag nakita na kasama namin si Josh. Gusto naman namin syang kausapin kaso bigla bigla kasi syang nawawala kaya hinayaan na lang namin. Baka nga talaga ayaw nya kaming makausap. Sana lang talaga wala syang ginagawang kalokohan.

Pagpasok pa lang sa classroom dinig na dinig na yung ingay at halakhakan. Yung mga upuan din napakagulo. Yung iba kasi dikit dikit dahil gusto makatabi mga tropa nila. Nakakatuwa makakita ng ganitong eksena. Cliché man para sa iba pero para sa'kin nasisiyahan ako. Naupo na kami kaagad ni Shaina at nag kakuwentuhan kasama ng iba pa naming kaklase.

"Uy alam nyo ba, balita ko may new student daw..." Naupo si Cleyrie sa may table ni Shai at nagcross arms pa.

Si Cleyrie yung mabilis makasagap ng mga balita galing sa ibang section o sa faculty man. Halos lahat kasi tropa nya na. Tsaka marami talaga syang connections dito.

"May mag tatransfer pa? Halos isang buwan na tayong nag start ng klase." Imik ko.

Kung sino man yung mag tatransfer na 'yun, goodluck sa kanya dahil nga marami na kaming nailesson. Sana lang makacatch up sya. Tsaka ang hirap kaya mag adjust kapag bago. Parang back to zero ang lahat.

"Di naman imposible yun. Meron ngang nag tatransfer kahit patapos na yung school year," wika naman ni Shai at sinenyasan si Cleyrie na magpatuloy sa sinasabi nito.

"At sabi pa nila yung new student na 'yun ng gwapo raw. Tapos ang manly daw ng amoy," kinikilig na wika ni Cleyrie saka nagtakip ng mukha nya.

"Hoy! Bakit pati amoy alam mo? Grabe ah.. Kakabasa mo na ng wattpad yan." natatawang wika ni Shai saka bahagyang hinampas ang braso ni Cleyrie.

"Ano ka ba marami nga akong connection di ba? kaya nalalaman ko hihihi," ngimisi pa si Cleyrie.

Bago pa tuluyang mag ring ang bell ay inayos ko na yung mga gamit ko. Nilabas ko na sa bag yung notebook at pencil case ko dahil nga siguradong magsusulat kami ng notes ngayong 1st subject.

Alice💠Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz