Chapter 1

225 69 18
                                    


Chapter 1


Alice POV

Hindi ko na maigalaw ang katawan dahil sa sobrang kaba. Gusto kong sanggain ang apoy na ibinato nya pero hindi ko na nagawa. Tila ba nag bumagal ang takbo ng oras habang unti-unting dumi-deretso ang itim na apoy. Napapikit na lamang ako.

Ano nga ba ang dapat kong gawin ngayon?

Ito na ba talaga ang katapusan ko?







"Miss McGarden!"

"Miss. Alice Nicole McGarden!"

"Ay kabayong palaka!"Napabalikwas ako ng upo ng marinig ko ang boses ni ma'am.

Narinig ko namang nagtawanan yung mga kaklase ko. Nahulog lang naman kasi ako sa upuan. Babalik na sana ako sa pagkakaupo kaso nauntog naman ako sa dulo ng desk ko.

"Sinong may sabi sayo na pwede ka ng matulog sa klase ko?"Tanong ni ma'am habang nakapamaywang.

Napayuko na lang ako at alam ko na masama na ang mga tingin sa akin ni ma'am. Hinahaplos ko pa rin yung noo ko na kumikirot dahil sa pagkakauntog. Nagumpisa naman si ma'am sa panenermon sa akin habang ang mga kaklase ko ay nanahimik. Pero yung mga tingin nila sa akin ay yun bang hinuhusgahan na ako.

"Sorry po ma'am,"napakagat na lang ako ng labi at umaasa na sana hindi na magalit ng husto si ma'am sa akin.

Magsasalita pa sana si ma'am ng may kumatok sa pinto ng classroom namin. Nakita ko kaagad si Josh. May inabot sya kay ma'am na papel na kaagad naman na pinirmahan ni ma'am. Kaibigan ko si Josh mula pa noong Elementary. Mabuti na lang at dumating sya. Lagi talaga syang nasa right timing.

Habang pinipirmahan ni ma'am yung mga papel ay tumingin sa direksyon ko si Josh at ngumiti. Nginitian ko rin sya at nakita ko pa syang napailing-iling. Dahil patuloy pa rin si ma'am sa pagsasalita tungkol sa mga estudyanteng madalas na matulog sa klase.

Teka?! Hindi naman ako madalas na matulog sa klase ah!

Mukhang alam ni Josh na ako yung pinatatamaan ni ma'am kaya tumingin na lang sya sa ibang direksyon para pigilan ang tawa. Napasimangot na lang tuloy ako.

Muling nagpatuloy si ma'am sa pagle-lecture at ako pa ang ginawang example. Umayos na lang ako ng upo at pinilit na makinig kahit pa lumipad ang isip ko.

~🔹~🔹~

Habang nakatungo ako sa upuan ko ay narinig kong nagsalita ang bestfriend kong si Shaina. Pero hindi ko sya maintindihan dahil inaantok pa ako. "Uy Ally, bakit naman natulog ka habang nag ka-klase si maam. Nakatikim ka pa tuloy ng sermon. Pero buti na lang sermon lang ang natanggap mo."

Patuloy na nagsalita si Shaina pero hindi lang ako umimik. Isa si Shaina sa mga kaibigan ko. Dalawa lang naman sila ni Josh na kaibigan ko mula pag elementary. Hindi lang ko umimik sa mga sinasabi ni Shaina dahil hinihila pa rin ako espiritu ng kaantukan.

"Hoy Ally! Ano ba? Nakikinig ka ba?"Tanong nya sakin. Napa angat ako ng ulo at lumingon sa kanya saka ako umiling.

"Hay naku! Ally! sinasayang mo ang precious saliva ko kakasalita dito tapos hindi ka pala nakikinig.. Hmp!"Naiinis na sabi ni Shaina saka umirap. Hindi ko na lang sya pinansin at muli na lang tumungo sa upuan ko.

Wala ako sa mood makipag usap dahil sa sobrang kaantukan. Kakaiba naman kasi pag nananaginip ako. Para kasing naglalakbay yung diwa ko sa kung saan. Tapos pag gising ko parang hindi lang ako natulog dahil sa sobrang pagod.

Alice💠Where stories live. Discover now