Chapter 31

94 39 0
                                    



Chapter 31

Alice POV

Isang malaking garapon ang hawak ni si Kapitan Minari na sa tingin ko ay naglalaman ng dugo na ipapainom namin kay Ginoong Theodore. Kulay dark blue ito at may natuyo pang dugo sa labas na parte ng garapon. Naisip ko lang bigla kung dugo ba ng wizard o kung ano man ang laman ng garapon. Hindi kasi kaaya-aya ang amoy.


"Wag kang mag alala. Hindi ito dugo ng kung sino mang wizard. Dugo lamang ito ng isang halimaw na nahuli namin noong nakaraang araw. Hindi nga lang kaaya-aya ang amoy nito para sa atin," saad ni Kapitan Minari habang nakatingin lang sa daanan.

Tumango na lang ako. Mukhang napansin nya na kanina pa ako patingin-tingin sa garapon. Pagdating namin sa lumang pinto ay kita kong madilim pa rin. Para bang hindi nasisinagan ng araw ang kwarto na ito. Tanging mga kandila lang ang nag sisilbing ilaw. Gaya ng nakita ko kagabi. Humakbang na kami papasok at kaagad naming nakita ang nakayukong si Ginoong Theodore.

"Minari..B-bakit mo sya dinala rito?" Nanghihinang tanong ni Ginoong Theodore.


"Gusto ka raw kasi nyang makausap," seryosong sambit ni Kapitan Minari saka tumingin sa'kin.


Dahan-dahang inangat ni Ginoong Theodore ang kanyang ulo saka tumingin sa'kin. Nang magtagpo ang mata namin ay kitang kita kong nahihirapan na sya.

"Pwede ba na kalagan mo muna sya?" Mahinahon kong tanong kay Kapitan Minari.

Tiningnan na muna ako ni Kapitan saka bumuntong hininga. Lumapit sya ng dahan-dahan kay Ginoong Theodore saka isa-isang tinnggal ang mga kadena.

"May dala kaming dugo na pwede mong inumin. Heto na," Nilagay ko sa harapan nya yung garapon pero umiling lang sya.



"Nagpumilit pa ako kay Kapitan Minari na painumin ka para magbalik sa dati ang lakas mo. Wag mo kasing pilitin ang sarili mo. Papaano mo mapo-protektahan si Xylo kung nanghihina ka ngayon? Kailan mong magpalakas." Pangungumbinsi ko saka tumingin ng diretso sa mga mata nya.

Kaagad naman na umiwas ng tingin si Ginoong Theodore. Alam ko, dapat hindi ko sya kinukumbinsi na uminom ng dugo kaso yun lang yung tanging paraan para lumakas sya. Naawa na kasi talaga ako sa kalagayan nya ngayon. Para na syang lantang gulay.

"Bakit ba napakatigas ng ulo mo?" Tanong nya na wala manlang kaemo-emosyon.

"Ikaw nga itong matigas ang ulo. Dapat nagpapalakas ka at hindi sinasaktan ang sarili," Nakacross arms kong sambit saka sinamaan sya ng tingin.

Tuluyan ng natanggal ni Kapitan Minari ang kadena. "Lalabas na muna ako ah. Sumigaw ka na lang ng malakas o di kaya ay gamitin mo ito," Inabot sa'kin ni Kapitan Minari ang isang maliit na baril na kaagad kong kinuha.


Tumingin muna sa amin si Kapitan Minari bago tuluyang lumabas ng kwarto. Nang makalabas si Kapitan Minari ay tumingin ulit ako kay Ginoong Theodore. Alam ko maman na nahihirapan na sya pero ayaw nya lang ipahalata.


Ilang sandali kaming tahimik ni hindi makatingin ng diretso sa'kin si Ginoong Theodore. Nakatitig lang sya sa garapon na nasa harapan nya.

"Wag mo lang titigan." Lumapit ako ng kaunti sa kanya saka binuksan ang takip ng garapon. Napahiwi ako dahil sa sama ng amoy ng dugong nasa loob ng garapon .

"Inumin mo na dali," nakangiwi kong saad saka dahan-dahang lumayo sa kanya.


"Bakit ba ginagawa mo 'to?" Tanong ni Ginoong Theodore gamit ang malamig at malalim nyang boses.


Alice💠Où les histoires vivent. Découvrez maintenant