Chapter 43

146 25 0
                                    


Chapter 43


Alice POV

Lalong dumami ang mga nasa tabi namin ni Theodore pero sya lang ang nakikita ng mata ko. Hindi dapat ako ganito. Nababasa nya ang isipan ko. Nakakahiya naman!

May biglang tumunog na trumpet kaya naman tumigil ang lahat at tumingin sa itaas na parte ng puting hagdan na ginto ang hawakan.

May tumayo na isang lalaki saka nag bow. "Magandang gabi sa inyong lahat. Narito na ang prinsepe ng Maris . Si prinsepe Destan ."

Nag palakpakan ang lahat at lalong  kuminang ang paligid ng lumabas na si Prinsepe Destan. Ang kisig nyang tignan sa kanyng suot. Nakablack coat na may white polo sa loob, black na pantalon at pares ng black boots.  Nakangiti syang tumayo sa gitna ng hagdan saka dahan-dahang bumaba. Napansin ko na ang mga kababaihan dito ay walang kurap na nakatingin sa kanya.  Lahat siguro sila ay crush ang prinsepe. Mabait naman kasi talaga si Prinsepe Destan at gwapo pa. Nabaling naman ang atensyon ko kay Theodore na katabi ko.  Nakatingin lang sya sa malayo at mukha syang naiinis.


"Hindi ako naiinis," walang gana nyang saad.

"Okay, wala naman akong sinasabi." yumuko ako ng kaunti at palihim na ngumiti. Hindi ko alam kung bakit natatawa ako sa ikinikilos ni Theodore.



Nagulat naman ako ng makita ang pares ng itim at matingkad na sapatos sa harapan ko. Inangat ko ang paningin at nakita si Prinsepe na nakangiti sa harapan ko.



"Maari ba kitang isayaw? binibining Alice," nakangiti nyang wika habang nakalahad ang kamay nya sa harapan ko.


Tumingin na muna ako kay Theodore pero bigla na lang syang lumakad papalayo. Muli akong tumingin kay prinsepe at wala sa sariling tumango. Muling tumugtog ang mga musikero. Nagbow muna kami sa isa't-isa at sumayaw muli ang mga narito.  Nakangiti lang sa'kin si prinsepe Destan pero ako naman ay napapaiwas ng tingin. Nakayuko pa ako dahil baka matapakan ko ang paa nya.



"Napakaganda mo. Para akong nakatingin sa kalawakan," wika nya saka ako marahang inikot.


Muli kong inangat ang paningin. "Salamat po prinsepe Destan."



Ngumiti ako ng alanganin saka muling tumingin sa paa ko. Bumibilis na kasi ang tugtog at hindi na ako nakakasabay. Napalingon ako sa gilid at nakitang may lumapit na babae kay Theodore. Nakasuot ng pulang gown ang babae na may mahabang slit kaya naman kitang-kita ang hita nya.  Parang nag uusap sila pero syempre hindi ko marinig kasi malayo ako.




"Maari ba tayong mag usap pagkatapos nating sumayaw?" Tanong ni Prinsepe Destan kaya itinuon ko ulit ako atensyon sa kanya.

"S-sige," tugon ko saka muling tumingin sa mga paa ko.


Maya maya pa ay nagpatuloy ang pagsasayaw pero ng patapos na ang tugtog ay bigla ko na lang natapakan ang paa ng prinsepe at nabangga ang nasa likuran ko. Nag sorry naman ako kaagad. Paulit-ulit akong nag bow sa kanila lalo na sa prinsepe.


"Ayos lamang iyon. Hindi ka lang siguro sanay sumayaw," nginitian nya lang ako pero alam ko na masakit yun. 


Sandali akong tumingin sa paligid baka sakaling makita ko si Theodore pero wala. Hindi sya mahagilap ng paningin ko. Siguro nga magkasama na sila ng babae kanina. Nag balik lang ako sa wisyo ng magsalita si Prinsepe Destan at umpisahan ang paglalakad. Sinisiguro nya na walang makakasunod saamin.  Naglakad kami ng prinsepe hanggang  sa bandang balcony at mula rito ay kitang-kita ang mga ilaw sa buong kaharian pati ang malawak na karagatan.




Alice💠Where stories live. Discover now