Chapter 11

138 51 0
                                    

Chapter 11

Alice POV

Nakasimangot at walang imik si Melody habang naglalakad kaming dalawa. Patuloy lang naming sinusundan ang berdeng daan . Walang mga bahay o kung ano man. Tanging mga berdeng puno, mga kumikinang na bulaklak at mga paru-paru ang nakikita ko.

Kaya kami nakalabas sa kastilyo ay dahil may sekretong lagusan pala ang ilalim ng kastilyo. Ang lagusan na ito ay palabas na ng Rabbit Kingdom.

Ang galing nga kasi may mga kumikinang na blue crystal sa dinaanan naming tunnel. Yung mga crystal ang nag sisilbi naming ilaw. Maliit lang yung tunnel na pinasukan namin ni Melody kanina kaya naman kailangan kong gumapang para lang makapasok at makaalis doon. Nauuntog pa nga ako habang nasa tunnel. Masyado kasi talagang masikip.



"Kasalanan mo 'to!"Nakasimangot na sigaw ni prinsesa Melody.


"Kung hindi dahil sayo edi sana nasa palasyo ako at makakapasyal pa ako sa mundo ng mga tao,"dagdag pa nya.



"Teka, bakit ka ba nagpupunta ka sa mundo ng mga tao?"Tanong ko kay prinsesa Melody.


"Wala ka ng pakialam pa sa dahilan ko. Huwag mo akong kakausapin. Hmp!"Tinarayan na naman ako ng prinsesa.



Napayuko na lang ako kasi aminado  naman ako na kasalan ko talaga. Hindi ko na makita ng maayos yung dinadaanan ko kasi nakaharang yung hood ng brown na cloak na suot ko at yung mahaba kong buhok. Pinasuot sa akin ni Reyna Harmony ang cloak na 'to para naman walang makakilala sa akin kapag lumabas na raw kami. Natatakpan na kasi yung mukha ko dahil sa hood ng cloak.

"Aray!"Daing ko dahil nadapa na naman ako dahil sa bato.


Kung hindi sanga ng puno mga bato naman yung nakakadali sa akin. Grabe na talaga!



Nakita kong lumingon lang si Melody sa akin saka umiling.

"Tumingin ka kasi sa dinadaanan mo. Tsk! Ang lampa naman,"naiinis na sabi ni Melody at inirapan pa ako imbes na tulungan.



Kaagad na lang akong tumayo at pinagpagan yung suot kong damit. Dapat talaga tingnan kong mabuti yung nilalakaran ko.




Ilang minuto kaming nag lalakad. Hindi ako kinakausap ni Melody mukhang naiinis–or should I say galit talaga sya sa akin. Mukhang nakagalitan talaga sya ni Reyna Harmony dahil nalaman na namamasyal si Prinsesa Melody sa mundo ng mga tao.



Tiningnan ko habang nag lalakad yung brown sling bag na dala ko. Hindi ko alam ang tawag dito basta mukha namang sling bag.   Hindi ko na rin naman naitanong ang tawag sa bag na 'to kasi nag mamadali na. Pinadala kasi ito ni reyna Harmony.

Nag lalaman ito ng mga pagkain,inumin at mga gamit na kakailanganin namin. Ang angas nga kasi ang daming nilagay dito sa loob pero hindi mabigat. Mukha lang syang maliit pero maraming pwedeng ilagay sa loob.


Habang naglalakad ay naalala ko bigla yung sinabi ni Reyna Harmony kanina bago kami umalis.




Nasa loob kami ng silid sa palasyo pero tago ang silid na iyon. Tanging si Reyna Harmony lamang ang nakakaalam ng silid na iyon.  Nasa ibabang bahagi ng kastilyo ang silid. Nagulat din si Prinsesa Melody dahil hindi nya rin alam ang silid na iyon. Ang silid ay may napakaraming libro na makikita. Kahit saan ka tumingin ay puro libro.




Pinaupo kami ni Reyna Harmony sa Isang lamesa na gawa sa kahoy. Matingkad ang kulay ng lamesa. Hinaplos ko ang lamesa at napakakinis ng texture nito. Ang galing ng gumawa.





Hindi umupo si Reyna Harmony  nakatayo lamang sya sa harapan namin. Nakatayo sya sa ibabaw ng upuan para mas makita namin sya ng maayos.




"Ipapaliwanag ko lang muli, ang lugar na ito ay ang Rabbit Kingdom. Kaming mga kuneho ay naglagay ng malaking harang sa paligid ng buong kaharian upang makaiwas sa mababangis na hayop na maari kaming salakayin. Sa tingin ko ay nakita mo na ang napakalaking pader na iyon."Tumango ako sa sinabi ni Reyna Harmony at patuloy na nakinig.




"Delikado ang mundong ito para sa isang taong katulad mo. Marahil ay kaya ka hinahabol ng mga lobo dahil gusto ka nilang gawing pagkain. Mukhang nagpupunta na sila sa mundo ng mga tao upang kumuha ng kanilang makakain. Ito'y nakakabahala na."Napatingin si Reyna Harmony sa itaas at napahawak pa sa kanyang baba na parang nag iisip.

"Kaya ka napunta rito ay dahil sa mga lobo na humahabol sa iyo. Alice,ito ang lagi mong tatandaan. Hindi mo pwedeng ipaalam sa iba na tao ka. Magpanggap ka na lang na may mahika ka at ikaw naman Melody. Siguraduhin mo na makakabalik sya sa kanyang mundo. Alam na ni ginoong Theodore ang gagawin nya."Tumango kami pareho ni Prinsesa Melody.

Magsasalita pa sana si Reyna Harmony ng may narinig syang naghahanap sa kanya.

"Reyna Harmony! Nasaan ka na po ba kamahalan? May naghahanap po sa inyo."Narinig naming sigaw sa kabilang pader.

"Kailangan nyo ng umalis. Baka may makakita pa sa inyo. Basta sundan nyo lang ang berdeng daan at dadalhin kayo nito sa Illusion Forest. Heto kunin mo ito Alice. Nandyan ang mga kakailanganin nyo. Mga pagkain at inumin,"wika ni Reyna Harmony at ibinigay saakin yung sling bag.

"Pakiusap, mag iingat kayong dalawa.  Aasikasuhin ko lang  kung sino man ang naghahanap sa akin,"sambit ni Reyna Harmony habang hawak ang kamay namin ni Prinsesa Melody.

Tumayo si Prinsesa Melody at lumapit sa kanyang ate. "Mahal na mahal kita ate,"wika ni Prinsesa Melody saka niyakap ng mahigpit si Reyna Harmony.



Sumenyas si Reyna Harmony na lumapit kaya naman lumapit ako at lumuhod. Bumaba kasi sya sa sahig para magkayakap sila ng maayos ni Prinsesa Melody. Ngumiti  sa akin ang reyna ng lumapit ako. Nagulat naman ako ng yakapin ako ni Reyna Harmony.

"Alice, pakiusap pilitin mong mabuhay sa mundong ito,"bulong ni Reyna Harmony habang nakayakap sa akin.

Tumango naman ako sa kanya. Nauna syang kumalas sa pagkakayakap at muli syang ngumiti sa akin. "Sige na umalis na kayo."

Lumapit si Reyna Harmony sa isang bookshelf at may pinindot na isang blue na libro. Sa pagpindot sa libro ay biglang umusog ang bookshelf. May pinto pala sa ilalim ng bookshelf. Hinatak ni Reyna Harmony ang pinto at sumenyas na bumaba na kami. Nauna akong bumaba habang si Prinsesa Melody naman ay muling niyakap ang kanyang ate.

Ang ganda talaga ng samahan nilang magkapatid. Sana ako rin may kapatid .

Nagbalik akong muli sa sarili ng huminto si  Prinsesa Melody. Kaya naman automatiko akong napahinto at tiningnan kung ano ang tinitignan nya.

"A-andito na tayo."Halata sa boses ni Prinsesa Melody ang takot.

Tumabi ako sa kanya at binasa ang karatula na nasa gilid na part ng gubat.




Illusion forest




Nandito na nga kami. Sobrang nakakatakot ng lugar sa labas pa lang. Nagtataasan ang mga puno na itim ang kulay. Hindi mo rin maaaninag kung ano ang nasa loob dahil sa sobrang dilim. Para itong hindi nasisinagan ng araw.

Tumingin ako sa pwesto namin at sa gubat. Grabe! ibang iba talaga. Yung pwesto kasi namin ngayon ay maliwanag pa.

Hahakbang na sana kami ng may marinig kaming alulong ng mga lobo..












Alice💠Where stories live. Discover now