Chapter 52

124 7 0
                                    

Chapter 52

Alice POV


"Totoo ka ba talaga?" Naninigurado kong tanong saka sya kinalabit.

"Do I look like I'm a ghost to you?" Tanong nya habang naniningin pa rin ng mga materials.

"Eh kasi naman sabi mo kanina namatay ka na. Paano yun nabuhay ka ulit? Ano ka zombie? Uy hala baka kainin mo utak ko." Napahawak pa ako sa ulo ko.

Ngumisi naman sya saka tinapik ng bahagya ang noo ko. "I'm not a zombie. Well, if I am, I'm not going to eat your brain because you don't have one. " Matapos nya yung sabihin ay naglakad na sya papunta sa ibang stante kaya sinundan ko naman sya. Aba! Ang sama talaga ng lalaking to. Nanglalait na naman sya akala mo naman kung sinong magaling.

Mag sasalita pa sana ako pero napahinto naman ako at napatulala sa kanya. Shems! Bakit ba ang angas nya tingnan sa paningin ko? Kasi ba naman side view lang nakikita ko pero ang lakas na ng dating. Ganito naman sya dati pero mas naging charming sya ngayon. Ano ba yan! Kanina naiinis ako sa kanya, tapos ngayon naman naaamaze ako sa kanya?

"Hindi pa rin talaga ako sanay na ganito. Yung hindi ko nababasa ang nasa isipan ng mga nasa paligid ko. Lalo na ang naiisip mo. Siguro nagwa-gwapuhan ka na sa'kin no? Kagaya nila..." Tumigin pa si Theodore sa bandang gilid ko kaya naman napalingon ako at may mga babaeng kinukuhanan sya ng picture.

Mukhang mas bata pa sakin yung mga babaeng to at nataranta naman sila dahil nga lumingon ako kasi nag alisan kaagad sila.

"Sabi ni kuya nagwa-gwapuhan sila sakin. Ikaw din ba?" Tanong ni Theodore kaya napalingon ako sa kanya pero di ko alam na magkalapit na pala kami.


"H-hindi ah! Sila lang yun. Tsaka ang tanda mo na kaya. Gurang ka na." Depensa ko.

"Bakit di ka makatingin sa'kin?" Ngumisi pa sya saka lumapit sa'kin.

"Pwede ba, umayos ka nga! Nandito tayo para bumili ng materials. Bilisan na natin para makauwi na ako." Lumayo ako ng kaunti sa kanya.

Bumuntong hinga sya saka lumapit muli sakin. "Okay, pero pinapaalala ko lang sayo na mag kaedad na tayo ngayon."


"Pero kung iisipin naman matanda ka pa rin. Kasi natatandaan mo yung mga nangyare sayo dati. Kumbaga yung soul mo one hundred na pero yung katawan mo seventeen years old." Ayaw nya lang talaga tanggapin na gurang na sya.

Hindi nya lang ako pinansin at nagpatuloy lang kami sa pagkuha ng mga dapat naming bilhin. Matapos namin mag hanap ng mga kailangan ay dumiretso na kami sa counter para magbayad. Nakapila kami ni Theodore–ay mali, sya lang pala ang nakapila dahil nasa gilid lang naman ako. May mga babae pa na panay ang kuha ng picture nitong masungit na 'to. Ewan ko ba pero naiinis ako sa kanila. Bakit ba ang hilig nila mag picture kapag may nakikita silang gwapo? Ano yun for documentation? Kinokolekta ba nila yun?


"Oy Lampa, tara na punta na tayo sa foodcourt. Tsaka hindi bagay sayo ang nakasimangot. Nagmumukha ka kasing sad na siopao," natatawa naman sya saka naunang lumakad palabas.


Nakakainis talaga tong gurang na to. Sinundan ko naman sya. Nagpunta na kami sa foodcourt at humanap ng pwesto. Mabuti na lang at di masyadong marami ang mga nandito kaya nakahanap kaagad kami ng pwesto. Umalis na muna sya at ako naman taga bantay ng mga dala namin. Sandali lang akong nag antay at pag balik nya ay may dala na syang  ng dalawang super large fries na halos bucket na tapos dalawang double cheese burger, takoyaki tapos may dalawang large na milkshake. May tumulong pang lalaking naka shades sa kanya para buhatin yung ibang pagkain.

Alice💠Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon