Chapter 21

137 40 0
                                    


Chapter 21

Alice POV

"Wag na wag mo akong pipigilan Millie!" Naiis na sigaw ng babae saka lumingon doon sa batang nasa hagdan.

"Naiinis ako sa mga katulad ninyo!" Muling sigaw ng babae habang nagliliyab ang pareho nyang mga palad.


Lumapit na rin  sa pwesto namin yung ibang multo. Shems! Natatakot ako sa mga mukha nila. Yung iba kasi ay parang duguan at yung iba naman ay walang mukha. Kaagad na pinatamaan  ni ginoong Theodore ng suntok  ang mga multo na papalapit sa amin kaya naman napalayo sya sa pwesto namin ni Melody. Hala! Lalong lumalapit sa'kin yung babaeng naka black na dress.

"Noong magkita tayo dati binangga mo ako kaya naman nahulog yung mga sangkap na gagamitin ko! Naiinis ako kasi hindi ako nakapasa sa pagsusulit namin noon ng dahil sayo! Hindi ko malilimutan ang mukha mo! Ikaw ang dahilan kung bakit ako nagkaganito! Nasira ang buhay ko ng dahil sayo!" Sigaw ng babae habang may mga luhang pumapatak sa kanyang pisngi.




Huh? Ako? Anong kinalaman ko sa pagkasira ng buhay nya? Naguguluhan ako pero tinitignan ko lang sya sa mata. Nakakaramdam ako ng lungkot para sa kanya. Hindi ko rin alam kung bakit pero nararamdaman ko na hindi sya masama.



"Hindi sya ang tinutukoy mo!" Sigaw ni Ginoong Theodore habang patuloy nyang sinusuntok ang mga kalaban na parang hindi nauubos.

Umirap naman ang babae. "Tss..Ayaw nyo pang aminin na sya yun. Kahit na matagal na ang pangyayaring yun ay tandang-tanda ko pa rin ang mukha nya."


Nakangiting lumapit sa'kin ang babae. Magkaharap na kami ngayon. Nakangiti man sya ay magkahalong galit at lungkot naman ang nakikita ko sa mata nya.

Lalo kong hinigpitan ang pagkakabuhat kay Prinsesa Melody.

"Iona please stop!" Sigaw ng batang babae na Millie yung name saka lumipad sa pwesto namin.


"Manahimik ka na lang dyan Millie!" Malakas na sigaw  ng babae na muling umalingawngaw sa buong paligid. Tumalikod sya sa akin saka pinatamaan ng mga apoy yung bata.


"Nag uumpisa pa lang akong masiyahan," nakangiting sambit ng babae muli syang humarap sa akin.


Walang naging epekto yung mga apoy doon sa bata kasi nga multo lang sya. Tumagos lang yun at napunta sa ibang direksyon. Nalito pa ako lalo kasi di ko alam kung Cassandra o Iona yung pangalan nitong nasa harapan ko. Kanina kasi tinawag syang Cassandra tapos Iona naman. Ang gulo! Ang sakit sa utak!

Muling tumingin sa'kin yung babae na parang kahit anong oras ay papatayin nya na ako. Lalo akong kinilabutan sa  paraan ng ngiti nya. Pumikit na lang ako saka huminga ng malalim. Wala akong alam sa mga nangyayari pero kailangan kong maging kalmado. Hindi dapat ako matakot gaya nga ng sabi ni ginoong Theodore.


"S-sorry kung ano man ang nagawa ko sayo." Sinubukan kong maging kalmado kahit na natatakot ako sa mga multong nasa paligid.



Natigilan naman ang babae saka ibinaba ang mga kamay nya na napupuno ng berdeng apoy.

"Ano?" Nakakunot-noong tanong ng babae.


"I'm so sorry," nakayuko kong sambit kahit na hindi ko alam kung bakit ako nag so-sorry sa kanya.


Inangat ko ang ulo ko at nakita ko syang nakatingin lang sa'kin. Parang hindi sya makapaniwala sa sinabi ko. Nakita kong nasa likod nya yung batang Millie yung pangalan saka kaagad na hinablot yung black na kwintas sa leeg ng babae.


Alice💠Where stories live. Discover now