Chapter 9

160 57 0
                                    


Chapter 9

Alice POV

Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at namangha sa ganda ng paligid. Nakatayo kasi ako sa gitna ng isang malaking hardin na napupuno ng mga puting rosas at maraming   lumilipad na puting  paru-paro.

Napangiti ako sa ganda ng paligid. Para kasi itong paraiso. Hinakbang ko ang aking mga paa para libutin ang hardin. Saka ko lang napansin na nakasuot ako ng puting bestida na may silver na belt. May suot din akong pares ng sandalyas na sa tingin ko ay gawa sa salamin.

Habang naglalakad ay may napansin akong isang batang babae na tumatakbo. Sa tingin ko ay dalawang taon lang ang edad. Nakasuot sya ng kulay puting bestida pero marumi na ito dahil sa putik. Napansin ko kaagad na mayroon syang kulay puting laso sa kanyang nakalugay at mahabang itim na buhok  pero hindi ko makita ang mukha nya dahil nakatalikod sya sa akin. Sinundan ko naman ang bata na tumatawa pa habang natakbo.


Tumigil ang bata sa pagtakbo ng makarating na sa isang puting marble fountain. Nakatalikod lang ang bata habang nilalaro ang tubig doon sa fountain. Lalapitan ko na sana ang bata at hahawakan ang balikat nito pero natigilan ako at napatingala sa kalangitan ng makita ang isang nakakasilaw na liwanag. Napapikit ako dahil sa liwanag. Ano ba itong nangyayari?


Matapos ng nakakasilaw na liwanag ay tumambad ang naglalakihang mga palaso na tatama na sa direksyon ko. Para akong nanigas at napatulala na lang sa mga palaso. Dahil sa sobrang kaba ay hindi na maayos ang paghinga ko. Biglang nagbago ang paligid. Ang mga paru-paro na nagliliparan ay naging malalaking dragon na nagbubuga ng itim na apoy. Pinalibutan ako ng mga dragon at may mga palaso pa na tatama na sa akin.  Dahan-dahan akong napaupo at napasigaw ng malakas.



"Ahhhhhhhhhh!"todo kong pag sigaw dahil na rin sa takot.

Kaagad akong napaupo. Hinahabol ko ang hininga at parang sasabog na ang puso ko sa sobrang kaba. Napahawak ako sa aking dibdib. Tagaktak  ang pawis sa aking noo. Kaagad ko itong pinunasan at naupo sa kama.

Narinig kong may kumakatok sa pinto kaya naman agad akong tumayo para buksan ito. Pero pagtayo ko ay nauntog ako sa kisame. Nakalimutan ko maliit nga pala ang kwartong 'to kaya kailangan kong yumuko.

Pag bukas ko ng pinto ay bumungad sa akin ang isang rabbit na tulad ng iba ay nakamaid na uniform.


"Ayos lamang po ba kayo Binibining Alice?"Nag aalala nyang tanong sa akin.

"Okay lang ako,"nakangiti kong sagot doon sa rabbit.

Minasahe ko rin yung ulo ko. Ang sakit kasi talaga ng pag kakauntog ko.

"Ahh...ganoon po ba? Narinig ko kasi ang malakas nyong pag sigaw kaya agad akong nag punta rito,"sambit ng rabbit.

Ang cute nya kasi mas maliit sya kumpara sa ibang rabbit na nandito.

"Ano po pala ang nangyari sa ulo nyo?"nag aalala nyang tanong  sa akin.


"Ahh...ito? Nauntog kasi ako hehe,"nginitian ko na lang sya. Hindi lang talaga kasi ako sanay na maliit ang lahat.

"Ayos ka lang po ba talaga?"muli nyang tanong at tumango naman ako.



"Oo ayos lang ako,"ngumiti ako para naman hindi na sya mag alala pa saakin.

"Magsabi lamang po kayo kung may iba pa kayong kailangan,"magalang na wika ng rabbit.


"Gusto ko sana ng isang baso ng tubig."


Alice💠Where stories live. Discover now