Chapter 39

127 25 0
                                    



Alice POV

Napapailing- iling ako habang nakaupo sa kama dahil nakakahiya talaga ang ginawa ko. Dapat talaga di na lang ako sumilip sa pinto ayan tuloy narinig ko pa yung pinag uusapan nila. Nalaman ko tuloy na  aalis si Wilfred. Sobrang close pa naman silang lahat kaya for sure masakit para sa kanila na umalis si Wilfred. Kahit naman ako malulungkot ako kapag umalis sya. Pero kung 'yun naman ang desisyon nya wala naman akong magagawa. Sya na mismo ang nag desisyon. May  dahilan naman sya kung bakit gusto nyang umalis. Bumuntong hininga na lang ako at ipinikit ang aking mata.

Sa pagdilat ko ay nakita ko ang mga batang gala. Nakangiti sila sa'kin. Sobrang mamimiss ko ang kakulitan nilang lahat. Si Christopher  na muntikan na akong masunog ng dilaw nyang apoy. Si Wilfred na pinaka matanda sa kanila na  kasing lakas ng mga oso. Ang mahilig sa hayop na si Mathias na kayang mag shape shift. Si Zed na mahilig sa itim at nakokontrol ang mga anino. Itong si Sam na mahilig magbasa at pinipilit sa'kin ang charming powers nya na di naman gumagana. Si Felip na napakalalim ng boses at kayang makita ang mga bagay kahit pa napakalayo samin at asintado rin sya. Ang napakaingay na si Johan na may kakayahan na kontrolin ang hangin at may kakayahan na magpagaling. Si Sean na kayang nagpatubo ng halaman pero di nya madalas magamit dahil nasa dagat sya. At syempre si Adrain, ang bunso at may pinaka delikadong kapangyarihan sa kanilang lahat. Dahil isang malakas na sigaw nya pa lang nakakapatay na.


Sa paglingon ko sa gilid ay nakita ko naman si Kapitan Minari na nagliliwanag ang mga mata na kulay asul. Madalas nya ring subukan sa'kin ang kapangyarihan nyang mang hypnotize pero hindi rin gumagana.  Nakita ko naman sa likod nya si Cael na may dalawang espada. Mukha syang sumasayaw sa mga galaw nya habang hawak ang espada. Napatingala naman ako ng makita ang kalderong lumulutang. Lumabas mula sa kusina si Pearl na may suot pang apron at basa ang mga kamay.

Natalisod naman ako dahil may nakaharang sa daan. Si Cylde pala na mahimbing na natutulog. Ang cute talaga ng mga puti nyang tenga  pati buntot. Kaya sya matulugin dahil mula sya sa tribo ng mga musang na kayang mag anyong tao. Nabaling naman ng atensyon ko sina Fabian, Lucky at Camila na may pinag aawayan. Malamang na pinag aawayan nila yung mga cookies na nakalagay sa garapon.



Alice💠Where stories live. Discover now