Chapter 15

144 43 0
                                    

Chapter 15


Alice POV

"Sa Earth ako galing,"nakangiti kong tugon kay Xylo.

Bakit? totoo naman kasi talaga.

Feeling ko nga alien ako sa lugar na ito. Ibang creature ang turing nila sa akin. Mula ng malaman ni Xylo na galing ako sa ibang mundo ay parang mas lalo syang naging interesado sa akin. Kung sa bagay, iba nga naman kasi talaga ang nakagisnan kong mundo.

Nasabi na rin ni Ginoong Theodore ang misyon kay Xylo kanina. Na kailangan nila akong maihatid sa lagusan sa Luimére Castle. Bago pa tuluyang malaman ng Tierra Magica council. Dahil kapag nangyari yun ay huhulihin nila ako at ipapapatay. Syempere ayokong mangyari yun kaya makikipag cooperate ako sa kanila.


Tulad nga ng sinabi ni Reyna Harmony. Hindi ko naman intensyon na pumunta rito sa mundong ito. Deserve ko naman daw na bumalik kung saan ako nagmula.

"Maganda ba sa lugar na iyon?" Tanong muli ni Xylo. Tumango naman ako.

Magtatanong pa sana si Xylo pero natigilan sya ng magsalita si Ginoong Theodore.

"Huwag mo ng tanungin ng tanungin si Alice," seryosong sambit ni Ginoong Theodore.

Tumango naman si Xylo. Hindi nya talaga sinusuway ang guro nya.

Matapos kumain ay nanatili lang ako sa kwarto na tutulugan ko ngayon. Tanging ilaw lang mula sa lampara ang nag sisilbing ilaw. Masyado kasing madilim sa labas dahil nga nasa gitna kami ng illusion forest. Ni sinag ng araw ay hindi namin makita. Kaya naman may ginagamit silang isang maliit na kahon. Para malaman ang oras.

Napakaliit lang ng kahon na iyon na mas maliit pa sa palad ko. Sinabi sa akin ni Xylo na kapag dilaw ang kulay ng kahon ay umaga na. Kapag naman bughaw ang kulay ay gabi na. Ilumina ang tawag nila sa orasan na iyon.

Ang ganda ng kwarto na tutulugan ko. Kahoy ang mga pader at halos lahat ng gamit pero maaliwalas naman tingnan. Hindi ko mapigilan ang mapangiti ng makita ang kabuuan kwarto. Pakiramdam ko kasi ito yung dating kwarto ko noong bata pa ako.

May aparador sa bandang gilid na halos katapat ng kama. Napalingon naman ako sa bandang kanan at nakita ko ang bintana kaya naman kaagad akong nagpunta doon. Ang galing lang kasi kanina hindi naman nakikita yung mga bintana mula sa labas. Mukha lang talagang ordinaryong puno. Kaso hindi pala ordinaryo yung puno na kulay blue o baka naman normal na sa kanila yun?

Muli akong napangiti dahil kitang-kita ko mula sa bintana yung mga alitap-tap na iba-iba ang kulay. Nakakatuwa silang tingnan. Para silang mga maliliit na rainbow flashlight.

Yung isa sa mga alitaptap na iyon ang nakapukaw ng atensyon ko dahil sa bilis nitong lumipad. Matingkad na berde kasi ang kulay kaya naman kapansin-pansin talaga. Lumilitaw ang kulay nya sa ibang mga alitaptap.

Paikot-ikot lang ang alitaptap na iyon na tila nawawalan ng kontrol. Sinundan ko ng tingin yung alitaptap na matingkad na berde ang kulay. Pero ilang sandali lang ay nawala yung alitaptap na yun sa paningin ko. Saka naman ako nakarinig ng tunog na para bang may nabasag sa ibaba ng bahay.

Dahan-dahan kong binuksan yung pinto at mabilis na bumaba ng hagdan.

Dahil sa pagmamadali ay nagkamali ako ng tapak sa hagdan. Pinilit ko kumapit sa hawakan ng hagdan pero nadulas lang yung kamay ko. Naku po! Mukhang alam ko na ang susunod na mangyayari. Siguradong masusob-sob ako sa sahig. Napapikit na lang ako at inantay na dumampi ang mukha ko sa sahig pero parang hindi ko maramdaman yung sahig. Parang pakiramdam ko may bumuhat lang sa atin.

"Tsk! Ang lampa mo naman," sambit ng isang malalim na boses.

Dumilat ako kaagad at nakita ang mukha ni Theodore. Tiningnan ko yung sahig. Hindi nga ako nahulog pero karga naman ako ni ginoong Theodore ng pa-bridal. Habang nakatingin ako sa mukha nya ay parang may kakaiba sa kanya. Sandali akong napatulala sa mukha ni Theodore.

Bakit parang pamilyar sya sa akin? Nakita ko na kaya sya sa Wonder Village dati? Natigilan lang ako sa pag tatanong sa isipan ng marealize ko na karga pa rin pala ako ni ginoong Theodore

"Ahm..P-pwede mo na ba akong ibaba?" Nauutal kong tanong. Bakit ba kasi mukhang papatay ng tao itong si ginoong Theodore?

Nakatingin pa rin sa malayo si Theodore. Hindi ko inaasahan na bigla nya akong bibitawan .

"Aray!" Daing ko habang nakahawak sa akin pwetan.

Hindi manlang ako binitawan ng dahan-dahan. Para akong binalibag. Pero de bale na mas ok na 'to kaysa naman yung mukha ko yung may bangas. Pero nakakainis talaga.

"Nakakainis talaga ang supladong bampira na 'to. Tsk! Akala ko talaga magiging mabait sya," pabulong kong wika saka dahan-dahan na tumayo.

"Hindi ako ang may kasalanan kung bakit ka lampa," saad ni ginoong Theodore saka kaagad na nagpunta sa kusina.

Sumunod naman ako sa kanya. Pagpunta sa kusina ay bumungad ang mga basag na botelya. Nagkalat din sa sahig ang mga harina at lahat ng mga aparador na lalagyanan ng pagkain ay nakabukas.

"Hala! Anong nangyari rito?"Tanong ni ko saka napatakip ng bibig.

Ang dami kasi talagang nabasag. Mukha na tuloy pinagnakawan itong bahay nila.

"Shhh..Manahimik ka na muna ,"seryosong sambit ni Theodore.

"Tss...Akala mo naman kung sino. Porket may powers ka lang naku!" Sabi ko sa isipan habang nakahalukipkip.

Sumimangot na lang ako at tinignan ang makalat na paligid. Lumapit ako sa bintana at napansin ko ang basag mula roon. Pabilog ang bintana at halos mabasag na ang kalahati nito. Ano naman kaya ang nakabasag dito? Imbosible naman na may naglalaro ng bola tapos bigla lang na naibato rito. Imposible yun kasi naman walang mga batang naglalaro malapit sa bahay nila Xylo at ginoong Theodore.

Pwede rin na mga illusyon lang ang nagbasag ng bintana. Pero parang imposible rin kasi wala naman akong nakikitang kakaiba na nakapaligid sa bahay nila.

Habang nagmamasid ay napansin ko ang isang lumulutang na baso. Napaatras ako makita ang baso na iyon ang lumutang at may kulay green itong ilaw. Pagewang-gewang ang lipad ng baso saka ito nagpaikot-ikot at palapit sa pwesto ko.



"Wahh! Multo!"Malakas kong sigaw saka sya nagtakip ng mukha dahil sa kaba.

Alice💠Donde viven las historias. Descúbrelo ahora