Chapter 54

127 6 0
                                    

Chapter 54

Alice POV

Ang sarap sa feeling na kasama ko na ren pati si Xylo. Medyo nagulat lang talaga ako na nakapunta sya dito sa Wonderland Village. Kakaiba kasi yung itsura nya at mukha pang kahina-hinala kaya di rin ako mag tataka kung bakit sya hinarang mga bodyguards ni Theo noong araw na makita namin sya.

Sa ngayon, magkakasama na kami dito sa school at gustong-gusto naman ni Xylo yung atensyon na nakukuha nya dahil mas napapansin daw sya dito kumpara sa Tierra Magica. Pero kahit pa nakakakuha sya ng atensyon, si Shaina ang pinaka sinasamahan nya. May mga araw na nagpapatulong sya kay Shaina.

Naalala ko tuloy yung araw na bigla ko na lang nakita si Xylo sa school...


Papasok na ako sa classroom tapos nakita ko na nag lalakad si Theo at nasa tabi nya naman si Xylo. Nag hihiyawan yung mga girls na nasa room namin habang nakasilip naman yung nasa ibang section at syempre tumitili rin sila. Para namang eksena sa wattpad yung nasaksihan ko noong araw na iyon. Pagpasok ko sa loob ng classroom mas rinig ko yung hiyawan ng mga kaklase kong babae habang mukhang annoyed naman yung mga lalaki. Mukhang naiisip nila na maagawan na naman sila pagdating sa girls. Napagtanto ko ren na kaya pala may lakas ng loob maglabasan sa mga classroom yung mga nasa ibng section ay dahil wala pa palang teacher.

Naupo na ako at napansin na kausap ni Xylo si Shaina. Hindi naman maitago niting bestfriend ko yung kilig nya. Hay, basta talaga gwapo napapakilig na sya. Bale nasa may bintana nakaupo si Shaina habang ako naman yung nasa gawing kanan at katabi ko si Theo. Si Xylo naman ay naupo sa may harap ni Shaina kaya magkausap na sila ngayon. Actually, may nakaupo talaga na lalaki doon sa harapan na seat pero mukhang kinausap ni Xylo para lumipat. Kaya hinarap ni Xylo yung upuan nya para magkaharapan na sila ni Shaina. Effort na ba tawag dyan?

"Kanina pa tayo nag uusap pero di ko pa rin alam ang iyong pangalan. Maari ko bang malaman ang pangalan ng napakagandang binibini na nasa aking harapan? " Tanong ni Xylo habang hindi inaalis ang tingin kay Shaina.

"I'm Shaina. Ikaw? Di ko rin pala naitanong ang pangalan mo. " Ngumiti naman si Xylo ng bangitin ng bestfriend ko ang pangalan nya.

"Shaina, napagandang pangalan. Nagagalak akong makilala ka Binibining Shaina. Ako naman si Xylo. " Naghiyawan lalo ang mga kaklase ko dahil kinuha ni Xylo ang kamay ni Shaina at marahang hinalikan ang likod ng palad nito.

Alice💠Donde viven las historias. Descúbrelo ahora