Chapter 28

115 39 0
                                    

Chapter 28


Alice POV

Nakahawak ako sa  railing ng barko habang pinag mamasdan ang buwan. Ilang araw na rin ang lumipas ng maglayag kami sa karagatan. Napakagandang pagmasdan ang bilog na buwan ngayong gabi pero kanina ko pa napapansin na kakaiba ang kulay nito. Dahil ito ay kulay lila.

Ang malamig na simoy ng hangin at ang tunog ng alon ang nagpapakalma sa'kin.

Maya maya pa ay narinig  akong yabag ng paa na papalapit sa'kin kaya kaagad akong lumingon sa likod at nakita si Kapitan Minari. Nakasuot sya ng puting bestida na pantulog.


Lumapit sya at tumayo sa tabi ko. Nakatingin rin sya malawak na kalangitan na ani mo'y kalawakan.

"Bakit hindi ka pa natutulog? May gumugulo ba sa iyong isipan?" Tanong ni Kapitan Minari habang nakatingin sa kalangitan.


"Namamangha lang ako sa tanawin kapitan," tugon ko at muling tumingin sa kalangitan.


Sandali kaming natahimik at parehas na nakatingala sa kalangitan.

"Napakagandang pagmasdan ano?" Tanong nya at tumango ako bilang sagot.

Mas lalo kong pinagmamasdan ang kulay lilang buwan. Parang napakamisteryoso naman nito at ang weird kasi kakaiba ang kulay o sadyang hindi lang talaga ako sa sanay sa kulay ng buwan dito. Muli akong tumingin kay Kapitan Minari at nakita ang seryoso  nya habang nakatingala sya sa kalahating buwan.

"Malapit na pala mag kabilugan ng buwan," bulong nya pero narinig ko iyon dahil magkatabi kami.

"Huh? anong meron sa bilog na buwan?" Nagtataka kong tanong.

"Wala talagang sinasabing kahit ano sayo si Theodore ano?" Nakapamewang nyang tanong at tinaasan pa ako ng kilay. Kaya umiling-iling  ako.

"Ang lalaking yun talaga ang hilig magtago ng sekreto," umiiling nyang wika saka bumuntong hininga.

Tumingin sa'kin si Kapitan Minari at hinawakan ang magkabila kong balikat.

"Oh sige iku-kwento ko na lang sayo kung ayaw ng lalaking iyon. Matagal na kaming magkaibigan ni Theodore. Kaya naman matagal ko na ring alam ang lihim nya."  Walang kurap lang akong nakatingin sa mga sasabihin ni Kapitan Minari. "Kalahating bampira sya at sa tingin ko ay alam mo naman yun. Sa tuwing kabilugan ng buwan ay mas tumitindi ang dugong bampira nya. Kaya kailangan nating mag-ingat sa kanya tuwing bilog ang buwan."

Nakakunot pa rin ang noo ko dahil sa mga sinasabi nya.

"Maaring makapatay si Theodore ng kahit sino sa atin kung hindi tayo mag iingat. Hindi kasi nya nakokontrol ang sarili nya kapag bilog ang buwan. Nais nyang makatikim ng dugo tuwing bilog ang buwan sa kalangitan," seryosong sambit ni Kapitan Minari saka binitawan ang balikat ko at muling tumingin sa kalangitan.

Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya. Ibig sabihin pwede nya kaming patayin kapag bilog ang buwan dahil nga sa bampira sya?! Hala!

Matapos nyang mag kwento ay ipinangako ko  na hindi ko sasabihin kahit kanino ang sekreto ni Ginoong Theodore. Ako lang ang sinabihan nya dahil makakasama ko pa si Theodore ng matagal sa paglalakbay.

Kahit yung mga kasamahan namin dito sa barko ay hindi alam ang lihim ni ginoong Theodore. Kasi naman kung alam nila edi hindi na lihim yun.

Tsaka malamang sa malamang  ay magalit si ginoong Theodore. Ayoko namang mangyari yun baka mapatay nya pa ako bago ba bumilog ang buwan. Kawawa naman ako pag nagkataon.


Alice💠Where stories live. Discover now