Chapter 8

161 59 0
                                    


Chapter 8


Third Person's POV

Hindi kaagad naka punta sa Park si Josh dahil may iba pa syang inasikaso. Habang nasa sasakyan ay naka-off ang kanyang cellphone. Paulit ulit kasing tumatawag ang kanyang mama. Hindi kasi pumayag ang kanyang mama na kunin ang bagong kotse na nasa garahe kaya naman paulit-ulit syang nitong tinatawagan. Nag aalala lamang ang kanyang ina sa kanyang anak. Dapat kasi ay ibibigay yung kotse na yun sa birthday ni Josh next year pero hindi na sya makapag antay pa. Naisip nya na kung magpapahatid pa sya sa driver ay matatagalan pa bago sya makapunta sa Park.



Ilang minuto rin ang byahe mula sa bahay nila hanggang sa Park. Pagdating nya sa Park ay agad nyang nilibot ang paningin upang hanapin si Alice. Nagtaka sya bigla kasi hindi naman ganoon kaaga pero walang katao-tao sa Park.




Binuksan nya ang kanyang cellphone. Tumambad sa kanya ang napakaraming text message at miss calls galing kay Alice. Patuloy lang sa paglilibot sa park si Josh. Nagbabakasakali na naroon lang si Alice.





Tinawagan nya ng paulit-ulit si Alice pero hindi talaga sinasagot ni Alice ang tawag. Makailang beses na nya syang nag text at nag antay ng ilang minuto. Naupo muna sya sa bench saka inantay si Alice. Nag babakasakali lang sya na mag reply si Alice pero ni isang reply ay wala talaga.






Nakaramdam sya ng kalungkutan sa ideyang baka hindi na sya naantay pa ni Alice. Pero nais nya pa rin na pupuntahan ang tahanan ni Alice. Kahit alam nya na may posibilidad na umalis na sila ng kanyang grandparents.






Kaagad nyang pinaharurot ang sasakyan papunta sa tahanan ni Alice. Labis ang kaba na nararamdaman nya dahil baka umalis na si Alice. Umiling-iling na lang sya at sinabi sa sarili na makikita nya si Alice.






Pag dating nya sa bahay ni Alice ay nag taka sya. Nakaparada pa rin kasi yung sasakyan ng lolo ni Alice. May gumuhit na ngiti sa kanyang labi. Biglang may sumibol na pag-asa na baka nandito pa si Alice.





Kumatok sya sa pinto. Sa pagkatok ay dala nya ang pag asang makikita nya si Alice. Agad naman syang pinagbuksan ni lola Amelia,ang lola ni Alice.




"Josh halika iho pasok." Agad naman syang pumasok sa loob ng bahay.




"Nasaan si Ally?"bungad na tanong ni lolo Jhony.





"Po? Wala po ba sya dito?"Nagtataka nyang tanong. Umiling naman si lola Amelia.





"Akala ko ba Josh kasama mo si Ally? Nag punta sya sa park kanina pa,"sabi ni lola Amelia na halatang nag aalala.






"Hindi ko po sya nakita sa park. Pagdating ko po ay wala sya,"Magalang na sagot ni Josh.





Umiling naman si lolo Jhony saka nag salita. "Tsk! Nasaan naman kaya nagpunta ang batang iyon?"sambit ni lolo Jhony na halata sa boses ang pag aalala.





"Dapat nga kanina pa kami nakaalis. Inaantay pa kasi namin si Ally,"sambit ni lola Amelia hindi na mapakali.





Kung wala sya dito sa bahay nila. Saan naman kaya sya nag punta? tanong ni Josh sa kanyang isipan.






"Josh. Tawagan mo nga si Alice baka kung ano na ang nangyari sa batang yun,"nag aalalang sambit ni lola Amelia.





Dinaial nya ang number ni Alice saka tinawagan. Makailang beses na nyang tinawagan si Alice pero hindi talaga sinasagot ni Alice ang mga tawag. Panay lang ang ring pero walang nasagot. Umusbong bigla ang kaba sa kanyang dibdib dahil sa nangyayari.







Alice💠Where stories live. Discover now