Chapter 27

113 37 0
                                    

Chapter 27

Alice POV

Naglalakad ako sa hallway pabalik sa kwarto namin ni Darlina. Nasa gilid ko lang si Melody na tumatalon-talon.

"Magustuhan kaya ni Darlina yan?" Tanong ni Melody dahil may hawak akong platito ng lemon cake.

"Ahm..Hindi ko rin alam pero baka magustuhan nya nagugutom na sya panigurado," tugon ko habang nakatingin sa platitong hawak ko.

"Kung sa bagay, wala ng pinipiling pagkain kapag gutom." Nagkibit-balikat na lang si Melody at muling tumingin sa daanan.


Habang naglalakad ay pinagmamasdan ko ang dinadaanan namin. Mukha talaga itong hotel pero walang mga number ang pinto.

Maya maya pa ay may narinig akong yabag ng mga paa. Parang nag tatakbuhan. Nakita ko naman mula sa malayo ang mga lalaking papalapit sa pwesto ko. Pero natigilan din sila ng makita ako.

"Mukhang sila yung sinasabing bisita ni kapitan," wika ng lalaking may hawak na itim na pusa.


"Mukha nga–teka ako muna ang unang magpapakilala," saad ng matangkad na lalaki habang hinahawi pataas ang itim nyang buhok.

"Magandang umaga sa iyo binibini. Ang pangalan ko ay Sam. Nagagalak akong makita ang isang napakagandang gaya mo rito sa aming barko," wika nya saka hinalikan ang likod ng aking kamay. Nakatitig din sya sa aking mga mata.

Habang nakatingin sa mata nya ay nakita kong nagbago ito ng kulay. Mula sa itim ito'y naging  kulay pink. Nakangiti lang sya habang nakatingin sa'kin. Naiilang naman ako sa ginagawa nya. Hawak hawak nya pa rin ang kamay ko kaya naman agad ko itong binawi. Nakakunot-noo ko syang tinignan.




Narinig ko naman na nagtawanan yung dalawa nya lang kasama.

"I think your power is a bit rusty," natatawang wika ng lalaking matangkad at blonde ang hair.

"Mukhang wala ka nang mauuto Sam!" Sigaw naman ng lalaking may hawak na pusa habang tumatawa.

Muling nilingon nitong si Sam yung dalawa nyang kasamahan na patuloy pa rin sa pagtawa saka muling tumingin  sa'kin.


"Wala ka ba talagang nararamdaman na kahit ano?" Tanong nya sa akin habang nakatingin sa mga mata ko. Hinawakan nya pa ulit yung kanang kamay ko. Kasi yung kabila pang hawak ko sa platito.

Kulay pink pa rin yung kulay ng mga mata nya habang nakatingin sa akin. Ano bang gusto ng lalaking 'to?

Mabilis akong umiling sa tanong nya.

"May kasintahan ka na ba?" Tanong nyang muli.

Napakunot na naman ang noo ko sa tanong nya. Ni minsan hindi sumagi sa isip ko na magkaroon ng boyfriend habang nag aaral pa ako. Umiling ulit ako sa kanya. Lumapit naman sya sa may pader saka nag walling.



"Bakit ganoon? Hindi gumagana sa kanya ang kapangyarihan ko!?" Nakasimangot pa si Sam habang nakaturo sa'kin.


Yung mukha nya parang pinagsakluban ng langit at lupa. Napakadrama naman nya. Muli kong nilingon si Melody. Nakatitig lang sya kay Sam na ngayon ay nakaupo na sa sahig. Magsasalita sana ako pero lumapit naman sa'kin yung dalawang kasama ni Sam.


"Ako nga pala si Mathias," pagpapakilala ng lalaking may hawak na itim na pusa.


"Magpakilala ka naman sa kanya." sabi ni Mathias doon sa hawak nyang pusa. Binubuhat nya ito na parang sanggol.


Alice💠Donde viven las historias. Descúbrelo ahora