Chapter 49

147 21 0
                                    


Alice POV

"Theodore patawad.." Paulit-ulit kong saad habang nakatingin sa kanya.

Nakatalikod sya saakin at hindi manlang nagsasalita. Mabilis syang tumakbo papalyo saakin. Halos hindi ko na sya masundan. Gusto ko lang naman na humarap sya saakin at makausap ng maayos. Pero kahit na anong pagtawag ko sa pangalan nya ang hindi manlang nya ako tinapunan ng tingin. Hindi ko na sya maabutan hanggang sa nakita ko syang natumba. Ang katawan nya ang napupuno ng dugo saka  unti-unting nagliwanag ang kanyang katawan. Naging bola ng liwanag ang katawan ni Theodore pero pinilit ko pa rin itong abutin.

"Huwag Theodore! Sandali!" sigaw ko ng malakas pero tuluyan na akong nahulog sa kama.

Teka?! Nahulog sa kama? Pinagmasdan ko ang paligid at napaluha sa nakita. Nandito na kasi ako sa kwarto. Nakasuot pala ako ng pajamas na kulay light blue. Napaupo ako saka patuloy na pinunasan ang mga luha.

Narinig ko naman ang paglakad nina lolo at lola  paakyat sa kwarto ko.

"Alice!" Sabay nilang sigaw saka dali-dali akong niyakap ng mahigpit.

"Okay ka lang ba? Wala bang masakit sayo? Pinag alala mo kami. Saan ka ba napunta?" Sunod-sunod na tanong ni lola Amelia.

Natahimik ako at napatulala lang sa mukha ni lola na ngayon ay patuloy sa pagluha. Napakagat lang ako ng ibabang labi at niyakap silang dalawa. Sobrang namiss ko silang dalawa.

"Huwag mong pilitin ang sarili mo. Magpahinga ka na muna. " wika ni lolo saka ako dahan dahan na pinaupo sa kama.

Magtatanong pa sana ako pero biglang sumulpot si Shaina at niyakap ako ng mahigpit.

"Ally!" Malakas nyang sigaw saka ako dinambahan.

Oo nga pala, ang tagal kong nawala. Sa tingin ko ilang buwan ang nilagi ko sa Tierra Magica pero di ako sigurado dahil wala naman silang calendaryo don.

"Pasensya na kung matagal akong nawala." nakangiti kong wika saka sinuklian ang yakap nya.

"Nag aalala kaming lahat ng bigla kang nawala. Lalo na si Josh, kung saan-saan ka namin hinanap pero di ka namin mahagilap. Ano ba talagang nangyari sayo?" Ramdam ko ang pag alala sa boses ni Shaina habang nakayakap pa rin sa'kin.

"Hindi ko na rin matandaan ang eksaktong nangyari." Umiwas ako tingin saka napabuntong- hininga. Alam ko naman na di sila maniniwala sa'kin kung sasabihin ko ang totoo.

Lumabas na muna sina lolo at lola saka kami nakapag usap ni Shaina. Gusto kong malaman ang mga nangyari habang wala ako. Nag kwento naman sa'kin si Shaina at may action pa ang pag kukwento nya para raw mas realistic. Tatlong araw na raw ang lumipas magmula ng mawala ako. Nag antay na muna sina lolo at lola ng ilang oras dahil nag babakasakali silang nagpunta lang ako sa ibang kaibigan. Pero makalipas ng ilang oras ay hindi pa rin tumawag o nag text manlang. Syempre nasa Tierra Magica na ako at di ko nadala yung bag ko. Nandon pa naman yung cellphone ko.

Kaagad daw nila akong hinanap at pinuntahan ang mga posibleng lugar na pwede akong maglagi pero di nila ako mahagilap. Kaya nag patulong na sila sa mga pulis na hanapin ako. May kakilala naman si lolo doon sa mga pulis na nandito sa Wonderland Village kaya kaagad silang tumulong. Sinabi ni Josh na dapat kaming mag kikita sa park pero di na nya ako naabutan. Sa pangalawang araw ng pag hahanap sa'kin ay nakita nila yung bag ko doon sa kakahuyan na nasa tabi lang ng park.

"Teka, tatlong araw? Tatlong araw lang akong nawala?" Napatayo ako habang nanlalaki ang mata. Ang buong akala ko pa naman sobrang tagal kong nawala. Pakiramdam ko kasi ilang buwan halos taon nga akong nanatili sa Tierra Magica.

Alice💠Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon