Chapter 4

177 61 8
                                    

Chapter 4

Alice POV

Nakapikit pa rin ako pero nararamdam ko na ang sahig. Dahan-dahan kong idinilat ang aking mga mata para makita ang paligid. Pero nagtaka ako kasi naman.

Bakit parang baliktad ang lahat?

Maya-maya pa naramdaman ko na parang tumayo yung buhok ko at parang nahuhulog na naman ako. Kakapit sana ako doon sa–Teka? chandelier? Naguguluhan na talaga ako ngayon. Hindi kaagad ako nakakapit kaya bumagsak na naman ako sa sahig.

Aray! Ang sama na naman ng paglanding ko.

Ng nasa sahig na ako doon ko lang narealize na sa kisame pala ako bumagsak kanina. Pero naguguluhan ako kasi sa kisame. Bakit sa kisame ako bumagsak?

Habang nakaupo pa din sa sahig ay nakita ko ang bato na ihinulog ko sa butas. Parang nawala na lang bigla yung butas kanina. Tumingala ulit ako at nakita ang chandelier na dapat kong kakapitan kanina. Tama! kisame nga yung nabagsakan ko kanina. Alangan naman kasi na maglagay ng chandelier sa sahig.

Pinagmasdan ko ang paligid. Kwarto itong nabagsakan ko. Pero walang ibang gamit dito kundi isang brown round table na may nakadisplay na white flower vase, may mga pink na rose na nakalagay sa vase at ang chandelier sa kisame. Tumayo ako ng mapansin ang tatlong pinto. Lumapit ako sa tapat ng tatlong pinto. Pinagmasdan ko lang ang mga ito.

Hmm...Ano kaya ang nasa loob ng mga pinto na 'to?

Lumapit ako sa pinakamalaking pinto na nasa bandang kanan ng kwarto. Paglapit ko ay may naririnig akong ingay mula sa likod nito. Sa tingin ko may mga nag aaway na kung anong nilalang ang nasa likod ng pinto. Pinihit ko ang doorknob pero naka-lock ang pinto.

Dumako naman ako sa pinto na katam-taman lang ang laki. Nasa kaliwa ito ng malaking pinto. Tulad ng naunang pinto ay may narinig rin ako sa likod nito. Nilapit ko ang aking tainga para marinig ng maayos ang nasa likod nito. Parang malalakas na alon ang naririnig sa likod ng pinto. Napaatras ako ng may kumalabog sa kabila ng pinto. Lumayo na ako sa katamtaman pintong iyon dahil ayoko ng alamin kung ano yung kumalabog sa likod.

Lumapit naman ako sa pinakamaliit na pinto. Maliit nga ang pinto pero sa tingin ako mag kakasya naman ako. Hindi katulad ng kanina, wala akong marinig sa pinakamaliit na pinto. Kaya nilapit ko pa ang tainga ko para marinig ng maayos. Naririnig ko ang banayad na simoy ng hangin, pakiramdam ko magandang tanawin ang nasa likod ng pintong ito. Pinihit ko ang doorknob pero tulad ng mga naunang pinto ay naka-lock rin ito.

Pinipilit kong buksan ang doorknob ng pinaka maliit na pinto ng mapansin ang nakasabit na susi sa ibabaw ng pinto. Agad kong kinuha ang nakasabit na susi at ipinasok sa susian. Halos mapatalon ako sa tuwa ng magkasya ang susi sa susian.

Dahan-dahan kong pinihit ang doorknob at saka ko nakita ang isang malawak na damuhan. Pilit kong pinag kasya ko ang aking sarili sa maliit na pinto. Ng successful ang pag labas ko sa kwartong yun ay bigla namang nagsara ng tuluyan ang pinto. Nawala itong parang bula. Ganoon rin ang nangyari sa susi na hawak ko kanina.

Nilibot ko ang aking paningin at nakita ang napakagandang tanawin. May gumuhit na ngiti sa aking labi dahil sa aking nakikita. Nakakamangha ang lugar na ito. Nasa malawak akong field na napupuno ng ibat-ibang kakaibang halaman at bulaklak. May mga makukulay na paru-paro na lumilipad sa paligid. Ang ganda rin pagmasdan ng bughaw na kalangitan.

Maya maya pa nakarinig na naman ako ng kaluskos. Automatiko akong napalingon kung nasaan nanggaling ang kaluskos saka ko nakita yung rabbit kanina na hinahabol ko. Namimitas sya ng mga bulaklak. May hawak din syang maliit na basket.

Alice💠Where stories live. Discover now