Chapter 17

141 42 0
                                    

Chapter 17


Alice POV

Naalimpungatan naman ako dahil sa yabag ng paa na nagpapabalik sa labas ng kwarto. May naririnig pa akong boses mula sa labas. Naupo na muna ako at nag-unat bago tumingin sa gilid kung saan ko pinakahiga si Darlina.

Nagtaka ako dahil wala na si Darlina sa tabi ko. Saan naman kaya sya nagpunta?

Paglabas ko ng kwarto ay narinig ko kaagad ang boses ni prinsesa Melody.

"Patingin ako!" Sigaw ni Prinsesa Melody na pilit na para bang may inaabot.

Bumaba naman ako ng hagdan at nakita ko si Xylo at si Prinsesa Melody.

"Sandali lang prinsesa. Tara doon tayo!" Turo pa ni Xylo doon sa sofa na gawa sa kahoy.


Lumapit naman ako para makita kung ano yung pinagkakaabalahan nilang dalawa. Laking gulat ko ng makita si Darlina na nasa loob ng isang garapon . Kaagad akong lumapit at kinuha ang garapon kay Xylo. Binuksan ko iyon para makalabas na si Darlina.

Nang makalabas si Darlina mula sa garapon ay kaagad syang nagtago sa likod ko.

"Natatakot na ako sa kanila, Alice," naiiyak na wika ni Darlina .

"Huwag kang mag alala. Hindi naman sila nananakit. Siguro naninibago lang sila sayo," wika ko saka naupo na katabi nina prinsesa Melody at Xylo.

"Anong pangalan mo?" Nakangiting tanong ni Prinsesa Melody at pilit na sinisilip si Darlina.

"Ako si Darlina," nahihiya nyang sambit.

"Teka lang, paano ka napadpad dito? Tsaka Alice ano bang nilalang sya?" Sunod-sunod na tanong ni Xylo.

"Isa syang Fairy," nakangiti kong sambit.

"Fairy? Ngayon ko lamang ako nakita ang nilalang na ganyan. Hindi ba sila mapanganib?" Tanong ni Prinsesa Melody habang nakatagilid ang kanyang ulo.

"Sa tingin ko hindi naman sya mapanganib. Ang cute nga nya tingnan." Muli akong  ngumiti  habang pinagmamasdan si Darlina.

Pinaupo ko na sya sa palad ko.

"Marami bang ganyan sa mundo nyo Alice?" Turo ni Xylo kay Darlina.


Umiling naman ako  bilang sagot. "Sa totoo lang walang ganito sa mundo namin. Ito rin ang unang beses na makakita ako ng ganito."


"Kung ganoon, papaano ka nagagasiguro na isa nga syang fairy?" Tanong muli ni Xylo.


Napaisip ako bigla. "Ahm...Sa mga libro...May mga nababasa ako tungkol sa kanila. Ang sabi pa nga hindi sila totoo pero heto at nasa harapan ko si Darlina."


"Saan ka naman galing, Darlina?" Tanong ni Xylo at lumapit pa ng kaunti para makita si Darlina.


Lumipad naman si Darlina sa balikat ko at nagtago. Napatawa naman ako ng mahina dahil biglang sumimangot si Xylo dahil sa biglang pagtago ni Darlina.


"Nagtatanong lang naman ako. Nakakatakot ba ako?" Nakasimangot na tanong ni Xylo.

"Binigla mo kasi sya." Mataray na wika ni prinsesa Melody at inirapan pa si Xylo.

Muli syang tumingin sa balikat ko at napansin ko na nakaupo na si Darlina. Ngumiti naman si prinsesa Melody saka nagsalita.


"Darlina, saan ka nga ba talaga galing?" Tanong ni Prinsesa Melody habang nakangiti at nakatingin kay Darlina.

Alice💠Where stories live. Discover now