Chapter 34

81 31 0
                                    

Chapter 34


Alice POV

"Mga kasama! Umalis na tayo!" Rinig kong sigaw ng isa sa mga kasama ni Asher.

Muli akong sumilip at nakita na ang lahat ng mga kasamahan ni Asher na kaagad na tumakbo at naglambitin sa mga lubid para lang makabalik sa kabilang barko. Muli kong nakita si Asher. Tumingin sya sa direksyon ko. Yung tingin nya sa akin ay kakaiba kaya naman nagtago ulit ako.


Napakapit  ako sa lubid na nasa tabi ko dahil muling tumagilid ang barko. Rinig na rinig pa rin namin ang nakakakilabot na huni.  Maya-maya pa ay bigla na lamang umahon mula sa madilim na dagat ang isang kakaibang halimaw. Mukha itong pogita na may mga malalaking galamay at nag liliwanag pa ang mga galamay ng halimaw sa dilim.  Napatulala ako sa halimaw na pinipilit na patumbahin ang barkong sinasakyan namin. Ganyan na ganyan yung mga halimaw na nakikita ko sa mga movies. Totoo pala talaga ang mga ganyan.


Lalo akong kinabahan ng muling igalaw ng halimaw yung galamay sa tubig dahilan para makagawa ng malaking splash. Mukha tuloy naulanan ang labas ng barko. Basang-basa na ang damit ko dahil sa splash. Ilang sandali pa lumapit sa'kin si Theodore. Tumabi sya sa kinatatayuan ko at may ibinigay sa'kin. May dalawang bilog na bagay ang ibinigay nya sa'kin na kulay grey pero malambot na parang bulak. Muli kong tiningnan si Theodore at akma ko na sanang ibubuka ang aking bibig para magtanong pero muli syang nagsalita.



"Wag ka ng magtanong. Ilagay mo na yan sa tenga mo," seryosong saad ni Theodore saka muling tumingin sa halimaw.



Grabe! Lagi na lang syang ganyan. Nagtatanong lang naman ako. Nang mailagay ko na sa tenga ko yung mga bilog na ewan ko ba kung ano ay para bang wala na akong marinig. Ang galing! Parang earplugs. Pero bakit kailangan kong magsuot nito?


"Halika nga ng malaman mo." Saad ni Theodore sa utak ko at hindi na ako nakaangal ng hilahin nya ako.


Mula sa kinatatayuan namin ay kitang-kita ko sina Minari na nakatakip na ng tenga. Dahil nga siguro sa halimaw pero–




"Manood ka na lang." Muling wika ni Theodore sa isip ko.








Napasimangot na lang ako at tumingin  sa ibaba. Tumayo si Adrian  sa harapan mismo ng  halimaw. Tinitigan nya pa yung halimaw. Ano yun? May staring contest  sila?



Maya maya pa ay lalong nagwala yung halimaw. Lalo nyang iginalaw yung mga galamay nya sa tubig. Dahil sa ginawa ng halimaw ay muling nagtalsikan ang tubig. Nabasa na naman  tuloy kami. Nagtakip na ng tenga sina Xylo at ang iba pang nasa ibaba. Kaya naman nagtaka ako. Bakit ba kasi kailangan na magtakip ng tenga?



Tiningnan ko lang kung ano ang gagawin ni Adrian. Huminga sya ng malalim. Paulit-ulit at parang nag co-concentrate. Naramdaman ko naman ang kamay ni Theodore na nakatakip sa tenga ko. Napatingin ako kay Theodore. Gusto ko sanang tanggalin ang kamay nya pero ayaw sumunod ng katawan ko. Hinayaan ko lang sya. Nagbalik ako sa wisyo ng maramdaman ang napakalakas na hangin. Tumingin ulit ako sa baba at kitang-kita ko na tila ba sinisigawan ni Adrian yung Pogita. Yun pala yung power nya? Kaya pala hindi nila hinahayaan na sumigaw si Adrian.




Patuloy lang sa pagsigaw si Adrian at halatang malakas ang sigaw nya dahil halos tangayin na kami. Tuluyang tumalsik ang halimaw at pumailalim na sa dagat. Talagang natakot ang halimaw na iyon sa sigaw ni Adrian. Tinanggal ko na yung parang earplugs saka tumingin kay Theodore.



"Kailangan talaga ng ganito kapag gagamitin ni Adrian yung power nya?" Tanong ko kay Theodore habang itinuturo yung earplugs na nasa kamay ko.




Alice💠Where stories live. Discover now