Prologue

252 67 10
                                    


Malalim na ang gabi at makikita ang mga bituin sa kalangitan. Ngunit ang ilang nga estraktura ay patuloy na nag babagsakan. Nagkalat ang mga bangkay sa paligid. Ang lupa ay mistula ng ilog ng dugo.   Maririnig din ang panaghoy ng mga nilalang na humihingi ng tulong.  Isang salita lamang ang tanging masasabi sa lugar na ito at iyon ay kaguluhan.

Kitang-kita ang lahat mula sa kinatatayuan ko. Madilim man ay nakikita ko ang kaganapan sa ibaba dahil sa mga ilaw mula sa sulo na nagkalat sa paligid.

Nabaling ang atensyon ko ng makita syang nakatayo–hindi kalayuan mula sa kinatatayuan ko.

"Hindi ka na makakabalik sa iyong mundo,"nakangiting wika nya habang nakatingin sa aking mga mata.

Hindi ako nagpasindak at itinutok ko sa kanya ang makintab na espadang hawak ko kaya naman lalo syang natawa.

"Akala mo ba talaga mapapatay mo ako gamit ng espadang iyan? Napakahina mo talaga,"tumawa sya ng malakas na halos marinig na ng lahat saka muling tumingin sa akin ng seryoso.

"Hinding-hindi ako papayag na sakupin nyo ang lugar na ito,"madiin kong wika habang patuloy na itinutok sa kanya ang espada.

"Hindi mo kami mapipigilan dahil mahina ka!"Sigaw pa nya.

Nakita kong nagliyab ang kanyang mga kamay. Ibinato nya ang itim na apoy  mula sa kanyang palad hanggang sa tuluyan na itong  pumunta sa direksyon ko. Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa kaba. Hindi ko na maigalaw ang katawan at napatulala na lamang sa itim na apoy na papalapit saakin.

Ito na ba ang katapusan ko?





Alice💠Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon