Chapter 23

135 39 0
                                    


Chapter 23

Alice POV

Pagmulat pa lang ng aking mga mata ay bughaw na kalangitan kaagad ang aking nakita. Napangiti ako dahil sa ganda ng kalangitan at may kulay puti pang mga ulap. Maririnig mo rin ang mga huni ng ibon sa paligid. Ramdam na ramdam ko rin ang malamig na simoy ng hangin na dumadampi sa aking pisngi.

Ano nanaman kaya ang lugar na ito? Kahit na nagtataka ay kaagad akong napaupo. Parang nakita ko na ang lugar na ito. Pero saan ko nga ba ito nakita?

Nakahiga pala ako sa malambot na berdeng damuhan. Marahan kong hinaplos  ang mga damo at para itong napakalambot na unan. Nilibot ko ang aking paningin at pinagmasdan pa ng maigi ang paligid. Mayroon ditong iba't-ibang klase ng mga bulaklak at insekto.

Napakalawak ng damuhan na ito. Kung iisipin para itong isang paraiso sa ganda. Tumayo ako at napansin na wala pala akong sapin sa paa. Ang suot kong damit ay yung kulay puting bestida na pantulog. Lagpas tuhod ang bestida na ito. Sinasabi ko na nga ba. Nananaginip na naman ako. Pero hindi ko matandaan kung ano bang nangyari sa panaginip ko. I mean, parang nanaginip na ako ng ganito dati.


Maya-maya pa ay may nakita akong napakalaking puno. Malalago ang nga sanga nito. Kung titingnan ang puno mukhang daang taon na ang tanda nito. Lumapit ako sa puno at kaagad itong hinawakan. Sumilay ang ngiti sa aking labi dahil sa punong nasa harapan ko. Para bang binibigyan ako ng enerhiya ng puno na ito.

"Anak mag iingat ka palagi ah."

May narinig akong boses sa likurang parte ng puno kaya kaagad akong naupo at sumilip. Boses yun ng babae.

Nanlaki ang mata ko ng makita yung babae na mala-Snow white. May kausap pa syang isa pang babae. Halos magkasing-tangkad lang sila.

"Ina, wag na po kayong mag alala ni ama sa akin. Malaki na po ako kayang kaya ko na po ang sarili ko," tugon ng babae pero hindi ko makita ang mukha nya.

Nakatalikod kasi sya sa'kin at dahil gusto kong makita yung mukha nya kaya nag punta ako sa kanang parte ng puno. Pero wala pa rin, hindi ko talaga makita yung mukha ng babae.

"Sigurado ka na ba talaga? Buo na talaga ang desisyon mo?" Tanong ng babaeng mala-snow white.

Sasagot sana yung babae pero may mga palaso na papunta sa puno. May mga apoy ang palaso kaya naman kaagad na nagliyab ang punong pinagtataguan ko.

Kaagad akong umayo at napaatras dahil sa pagliyab ng puno. Nagulat din ako ng makitang nag iba ang paligid. Dahan-dahan akong tumingala at nakitang naging kahel ang kulay ng kalangitan.

Maraming mga nilalang na nagtatakbuhan kahit saan. May mga nilalang na humingi ng tulong at umiiyak. May mga cyclops, satyr, Minotaur, Centaur at kung anu-ano pang nilalang na ngayon ko lang nakita sa tanang buhay ko.

May mga wizards at witch na pinapaslang ng mga nakablack na cloak. Sinasaksak sila hanggang sa malagutan ng hininga. May ilan pa na hinahati pa ang katawan ng kawawang nilalang bago nila tuluyang iwan.

Walang awang pinapatay ng mga nakablack na cloak ang lahat ng nilalang na madadaanan nila. Nanginig na lamang ako sa sobrang takot.

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Nagbago lang sa isang iglap ang buong paligid. Ang napakagandang paraiso ay para na ngayong impyerno. Nagmistulang ilog ng dugo ang kaninang malawak na damuhan. Napuno ito ng dugo dahil sa mga napapatay ng mga nakablack na cloak.

Alice💠Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon