Chapter 16

144 44 0
                                    

Chapter 16


Alice POV

"Wahh! Multo!"Malakas kong sigaw saka ako nagtakip ng mukha dahil sa gulat.

Sumilip ako sa pagitan ng aking mga daliri at nakita ko si ginoong Theodore na nasa harapan ko. Nakatalikod sya sa akin habang ang kanyang kaliwang palad ay nababalot ng kulay kahel na apoy.


Nakita ko na  nasa harapan na ni Theodore ang baso. Nakalutang pa rin ang baso pero steady lang. Bumaba ito sa sahig ng paunti-unti. Humina na rin ang matingkad na berdeng liwanag mula sa baso.


"Lumabas ka na dyan," madiin at seryosong sambit ni Theodore.


Nagtataka naman si ako kay Theodore dahil sa pagsasalita nya mag-isa. O baka naman may may kung ano na doon sa loob ng baso. Sana naman hindi nakakatakot na nilalang ang lumabas mula sa baso na iyon dahil tatakbo talaga ako papalayo. Ipis pa nga lang ayoko na.


Tumingin ako sa direksyon ng baso at may lumabas na isang maliit na nilalang doon.



"Bakit ka narito?" Tanong ni Theodore habang inihahanda ang kaliwang kamay na nababalot ng apoy.


Nanginginig naman sa takot ang nilalang na mula sa baso kaya nagtago ulit sya sa loob. Lumapit ako ng kaunti pero nasa gilid lang ako ni ginoong Theodore.  Lumapit ako para masilip kung ano ba yung nasa loob ng baso. Napangiti ako ng makita ang isang maliit na fairy pala ang nandoon. Sumisilip kasi yung fairy kaya ko nakita.



"Ang cutiee!"  Pabulong kong sigaw dahil ang cute talaga ng fairy na iyon.


"Uulitin ko, bakit ka narito?!" Sigaw ni ginoong Theodore kaya naman nagbalik sa loob ng baso ang fairy.


Tiningnan ko naman ng masama  si ginoong Theodore. Lalo nya lang tinatakot yung fairy kaya hindi talaga lalabas.


"Hindi sya lalabas kung tinatakot mo sya," nakakunot-noo kong wika saka humakbang papalapit sa baso.




Bago pa ako makalapit ay  hinarangan ni Theodore ang kanyang braso para pigilan ako. Nakita ko rin na hindi na nagliliyab ang kanyang kaliwang kamay.



Kumunot naman ang noo ko at hinawi ang braso nyang nakaharang. "Alam mo ginoong Theodore, hindi nya sasagutin ang tanong mo kung natatakot sya sayo." Tinabig ko ang kamay nya at tuluyan na akong lumapit saka lumuhod sa tapat ng baso.




"Magandang araw," nakangiti kong bati pero lalong nagtago ang fairy sa loob ng baso. Halatang natatakot sya.



"Huwag kang mag-alala. Walang mananakit sayo rito kaya lumabas ka na," tumingin lang ako sa baso nilagay ang dalawa kong kamay sa sahig na para bang nakasahod.



Gusto ko kasi na sumakay sya sa palad ko. Parang yung mga napapanood ko sa mga movies. Noong una ay nag aalangan pa ang fairy na lumabas pero nginitian ko sya. Nang magtapo ang mga mata namin ng fairy ay tila ba nawala ang pag aalala sa kanyang mukha. Ilang sandali pa ay naupo sya sa palad ko.




"See? Hindi sya natatakot sa'kin. Hindi kasi dapat nananakot," wika ni ko saka akma na sanang  lalampasan si ginoong Theodore.



Hindi ko kaagad sya nalampasan dahil nahawakan nya kaagad ang braso ko.


"At saan mo naman dadalhin ang nilalang na iyan?" Nakakunot-noong tanong ni ginoong Theodore.


Humarap naman ako sa kanya. "Sa kwarto. Hindi naman pwede na nandito lang sya sa labas kasi baka patayin mo sya."


Muli akong tumalikod at humakbang papalayo. Pero nakakailang hakbang pa lang ako ay nagsalita na kaagad si ginoong Theodore. Ang mas nakakagulat pa ay bigla syang sumulpot sa harapan ko.



"Hindi mo maaaring dalhin ang nilalang na iyan sa iyong kwarto. Hindi natin alam kung saan sya galing at mas lalong delikado kapag nanatili ang nilalang na iyan sa pamamahay ko." Ramdam na ramdam ko ang inis sa boses ni ginoong Theodore.



Pero hindi naman pwedeng manatili lang sa labas itong fairy na hawak ko. Sigurado ako na mapapatay sya ng mas mababangis na hayop sa labas. Ayoko talaga. Hindi ko sya bibitawan. Itinago ko sa aking palad ang fairy saka inilayo kay ginoong Theodore. Nagpunta ako sa ibang direksyon pero nandoon pa rin si ginoong Theodore ang mas nakakatakot pa ay ang pula nyang mga mata.


"Bakit ba hindi ka nakikinig sa mga sinasabi ko?" Tanong ni ginoong Theodore at humakbang papalapit sa akin. Habang ako naman ay patuloy na umaatras.


Habang nakatingin sa mga mata nya ay mas lalo akong nakakaramdam ng takot. Ganitong-ganito rin sya noong makita nya kami ni prinsesa Melody.


"Ang sabi ko bitawan mo na ang nilalang na iyan ngayon din," madiin nyang wika gamit ang napakalalim nyang boses.



Pero imbes na bitawan ay mas lalo kong itinago sa aking palad ang fairy. Sinabi sa akin ni lolo na kapag may alam kang tama ay dapat na ipaglaban mo. Sa sitwasyong ito ay naniniwala akong hindi masamang nilalang itong fairy na hawak ko.





Muli namang humakbang si ginoong Theodore ng marinig namin ang boses ni Xylo.





"Ano yung narinig kong nabasag? At sino yung sumigaw kanina? May nasaktan ba?" Sunod sunod na tanong ni Xylo.





"Ayos na ang lahat Xylo kaya hindi mo na kailangan pang mag aalala," mabilis na  tugon ni Theodore.



Habang hindi nakatingin si ginoong Theodore ay mabilis akong tumakbo paakyat ng kwarto. Muntikan na naman akong madapa dahil sa pagmamadali. Nang makarating sa kwarto ay kaagad kong ni-lock ang pinto at naupo sa kama.




Dahan-dahan ko naman na nilapag ang fairy mula sa aking palad. Nahihiya nya akong tiningnan at narinig ko naman na tumunog ang kanyang tyan. Natawa naman ako ng mahina at kinuha yung bag na pinadala ni reyna Harmony.


Kumuha ako mula roon ng garapon na napupuno ng mga biskwit. Kumuha ako ng isang biskwit na hugis kahon at hinati ito sa apat na piraso para naman makain nya. Halos kasing laki lang kasi sya ng hintuturo kaya naman hindi nya talaga makakain kung malaking piraso ang ibibigay ko sa kanya.




Mas lalo akong nakakaramdam ng tuwa dahil nakita ko sya na maganang kumain.



"Ako nga pala si Alice. Ikaw? Anong pangalan mo?"Tanong ko sa kanya habang nakatagilid ang aking ulo.



Nilunok nya muna ang kanyang kinain saka tumingin sa akin at nagsalita. "Ako naman si Darlina."




Matapos sumagot at muli syang kumain. Para bang matagal na syang hindi kumain. Dahil mukhang sobra na yung gutom nya. Hinayaan ko lang sya na kumain habang nakaupo sya sa ibabaw ng unan.



Saan naman kaya sya nanggaling?

















Alice💠Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon